Wednesday , March 22 2023

Lopez kuminang sa Korea Open

 

KUMALAWIT ng gold medal si Pinay Jin Pauline Louise Lopez sa katatapos na 2017 Korea Open international taekwondo championships sa Chuncheon City, Korea.

Ibinalandra ni Lopez, 21-year-old Ateneo psycho-logy student ang unang apat na katunggali under-57 kilogram competition bago pinagpag sa finals si Brazilian Rasaela Araujo, 16-11.

“I was excited, very happy and overwhelmed,” saad ni Lopez matapos pasukuin ang Brazilian opponent.

“That victory is important because it has inspired me to work harder and pursue my dream to make it to the Olympic Games, which I narrowly missed in last year’s qualifying tournament for the Rio Olympics.”

Inumpisahan ni Lopez ang kanyang Korean campaign sa pagtaob sa Korean opponent, 21-5, Guamanian, 22-2 at tinalo ang Chinese rival, 6-5 bago payukuin ang France entry, 11-5 upang sumampa sa finals.

Dalawang beses sa isang araw nag-eensayo si Lopez na nagsimulang mag-taekwondo noong 2010 nag siya 14 anyos pa lang.

“That’s the reason I manage to sharpen my skills,” specially when preparing for important tournaments like next month’s SEA Games in Malaysia,” wika ni Lopez.

Nagwagi rin ng gold medals si Lopez sa 2015 SEAG at 2013 Asian Youth championships sa China. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply