“LET’S stop talking, let’s start fighting. I have decided to abandon the talks.”
Ito ang idineklara kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sa kanyang talum-pati sa Davao Investment Conference, binig-yang-diin ng Pangulo na tumpak ang pahayag ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison na binu-bully niya ang kilusang komunista.
“You’re right, Mr. Sison, I bully people who try to topple the government,” anang Pangulo.
Trabaho aniya ng Presidente na bantaan ang mga kriminal, kalaban ng estado at pata-yin sila.
“That’y my job, to bully you, the criminals, enemies of the state, threaten you and to kill you,” dagdag niya.
“Itong mga komu-nista , wala kaming ginawang tama, remain in that frame of mind, suffer in five years,” aniya.
Hinamon pa niya ang CPP na isabak sa bakbakan ang mahihirap nilang kadre at ang karamiha’y mga lumad, at hayaan na maubos ng tropa ng pa-mahalaan.
Sabi ng Pangulo, pagod na siya sa pakikipag-usap sa mga lider-komunista, at pag-aaksaya lang ng oras.
Sa kanyang pagbisita sa tropa sa Marawi City, inihayag ng Pangulo na matapos ang krisis sa siyudad o ang operasyon laban sa Maute/ISIS, ay NPA naman ang aatupagin ng militar.
Nauna rito’y kinansela ng gobyerno ang backchannel talks sa kilusang komunista makaraan tambangan ng NPA ang mga kagawad ng Presidential Security Group (PSG) noong Martes sa Arakan, North Cotabato, habang patungo sa Cagayan de Oro City.
Apat miyembro ng PSG ang nasugatan at isang paramilitary trooper ang namatay sa nasa-bing ambush.
(ROSE NOVENARIO)
‘MOLE’ NG NPA
SA PSG INAALAM
LIHIM na iniimbestigahan ng intelligence community ang posibilidad na may mole o espiya ang mga rebeldeng komunista sa hanay ng militar, lalo sa Presidential Security Group (PSG).
Ito ang sinabi ng source sa intelligence community kasunod ng pananambang ng NPA sa convoy ng PSG sa Arakan, North Cotabato noong Martes ng umaga.
Aniya, bahagi ng standard operating procedure (SOP) sa ano mang preparasyon sa presidential engagement/activity ang maglatag ng route security o ang pagtitiyak na lahat ng daraanan ng grupong may kinalaman sa aktibidad ay ligtas.
Mahigpit din aniya ang koordinasyon ng PSG sa lokal na pulisya at sa tropang militar sa erya kaya’t labis na nakapagtataka na nakapaglagay ng checkpoint ang First Pulang Bagani Company sa Arakan at nakapagpakalat ng may 100 puwersa sa lugar nang hindi na-monitor ng mga awtoridad.
MAG-IITIK NA ‘DI NAGBAYAD
NG REV TAX
‘DI PINATAWAD NG NPA
WALANG patawad ang NPA, ultimo maliliit na magsasaka ay kinikikilan taliwas sa propaganda nilang tagapagtanggol ng mga mamamayan.
Sa press briefing kahapon sa Palasyo, kinuwestiyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. ang ideolohiya ng NPA na nasangkot sa iba’t ibang insidente ng karahasan habang nagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa gobyerno.
Inihalimbawa ni Esperon ang panununog ng NPA sa plantasyon ng saging, sinunog ang mga truck at tinagpas ang walong ektarya ng saging nang hindi magbayad ng “revolutionary tax” sa mga rebelde.
“In fact, doon sa isang napagkasunduan na major agreement, the CAHRIHL (Comprehensive Agreements on Human Rights and International Humanitarian Law), maraming provisions iyan about safeguarding the civilians na dapat hindi ina-attack ang civilians. E ipinagmamalaki nilang sundan natin iyong CAHRIHL. Pero ano ba iyong tinatabas mo iyong pananim, iyong mga saging? Ano ba iyong nanununog ka? Ano ba i-yong mag-iitik ka lang e tinatamaan ka pa? Ano ba iyon?” aniya.
Dahil armadong grupo ang NPA, kasama sila sa masasapol ng operasyong militar, kasama ng BIFF, ASG, Maute/ISIS, sa idineklarang martial law ng Pangulo sa Mindanao.
(ROSE NOVENARIO)