Saturday , November 16 2024
Malacañan CPP NPA NDF

Safe conduct pass epektib pa, NDF consultants ‘di balik-hoyo

 

HINDI pa tinutuldukan ng administrasyong Duterte ang usapang pangkapayapaan sa kilusang komunista kaya hindi puwedeng ipaaresto at muling ibalik sa bilangguan ang pinalayang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultants.

Sinabi ni Labor Secretary at government peace panel chief Silvestre Bello III, wala pang basehan ang pahayag ni Solicitor General Jose Calida, na hihilingin niya sa hukuman na kanselahin lahat ang piyansa nang pinalayang NDFP consultants, iutos na arestohin sila at ibalik sa kulungan.

Giit ni Bello, protektado ang NDFP consultants ng safe conduct pass o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Uubra aniya ang hirit ni Calida kapag pormal nang winakasan ng gob-yerno ang peace talks at naipadala na sa NDFP panel ang “notice of termination.”

Nauna nang sinabi ni dating NDF consultant at dating Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo, isang buwan makaraan matanggap ng NDF ang notice of termination mula sa gobyernong Duterte ay saka lang magi-ging epektibo ang pagpapawalang-bisa ng JASIG.

Kamakalawa, kinan-sela ng gobyerno ang backchannel talks sa NDFP makaraan ang sunod-sunod na pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa mga tropa ng pamahalaan kasama ang pananambang sa mga kagawad ng Presidential Security Group (PSG) sa Arakan, North Cotabato, na ikinasugat ng apat sundalo at ikinamatay ng isang paramilitary.

Sa pulong noong Martes ng gabi, nagbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa GRP panel na huwag ituloy ang 5th round ng peace talks hangga’t hindi tumitigil sa pag-atake ang NPA.

Noon pang nakaraang Mayo sinuspendi ng GRP ang formal peace talks nang atasan ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang NPA na paigtingin ang operasyon laban sa puwersa ng gobyerno bilang pagtutol sa idineklarang martial law ni Pangulong Duterte sa Mindanao.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *