Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roderick, nakikita ang sarili kay Awra

“Ang tanging hangad ko lang po ay magpasaya ng tao,” ito ang tinuran ni Awra kahapon sa presscon ng kauna-unahan niyang pagbibidahang fantasy weekly drama anthology, ang Wansapanataym Presents: Amazing Ving na mapapanood sa Linggo, July 23, sa ABS-CBN2.

Panibagong superhero ang makikilala at kapupulutan ng aral ng mga manonood na pagbibidahan ng breakout childstar na si Awra bilang si Super Ving, ang tagapagligtas na makapangyarihan at pusong busilak.

Isang mabait at mapagmahal na anak si Ving (Awra) na pinagmumulan ng kaligayahan ng kanyabng mga magulang nas ina Cris at Soffy, na gagampanan ng nagbabalik-telebisyong tambalan nina Roderick Paulate at Carmi Martin. Masaya at kuntento si Ving kasama ang kanyang pamilya habang dala-dala ang kanilang paniniwalang sapat ang busilak na puso para maiturong ang isang tao na superhero.

Suportado man ng mga magulang, lagi siyang tampukan ng tukso ng kanyang mga kaklase sa pangunguna ng trending loveteam nina Kisses Delavin at Marco Gallobilang sina Chelsea at Warren.

Sa kabila naman nito, patuloy na nagbibigay saya at nag-aaral ng mabuti si Ving para maabota ng kanyang mga pangarap.

Samantala, super happy si Awra sa pagganap bilang superhero na may napakaraming kapangyarihan. ”Super happy kasi hindi koi ne-expect na kaya kong mag-action at mag-harness.”

Sa kabilang banda, hindi naman itinago ni Dick ang paghanga kay Awra, Aniya, naaalala niya ang sarili kapag nakikita si Awra. ”’Pag nakikita ko siyang busy, naaalala ko sarili ko. Sinasabi ko na blessing iyan.”

Maging ang acting ni Awra ay pinuri ng magaling na komedyante.

Kasama rin sa Wansapanataym Presents: Amazing Ving si Bianca Manalo na gaganap bilang si Reptilya, ang makakalaban ni Ving.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …