Saturday , November 16 2024

Pointman sa drug war itinalaga ni Digong

 

ISANG “pointman” ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging sentralisado ang mga usapin kaugnay sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte.

Hinirang kahapon ng Pangulo si Aurora Ignacio bilang “focal person” na tatanggap ng mga kuwestiyon at magbibigay ng karampatang aksiyon sa mga isyu na may kinalaman sa anti-illegal drugs campaign ng kanyang administrasyon.

“In the exigency of the service, Ms Aurora Ignacio, Assistant Secretary, Office of the President, is hereby designated as focal person to receive inquiries or clarifications and provide the necessary intervention on matters pertaining to the government’s anti-illegal drugs campaign,” ani Duterte.

Titiyakin aniya ni Ignacio na lahat ng gustong tumulong sa kampanya ay agad maaksiyonan at kung kinakailangan ay ipapasa sa kaukulang ahensiya.

“As focal person, she shall also ensure that those offering assistance to the said campaign are immediately acted upon and, whenever necessary, refer the same to the agencies concerned,” dagdag ng Pangulo.

Si Ignacio ay assistant secretary for special project sa Office of the President.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *