Saturday , November 16 2024

NCRPO handa sa SONA

HANDA ang puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, 24 Hulyo.

Sinabi ni NCRPO Chief, Director Oscar Albayalde, ipapakalat niya ang kanyang mga tauhan partikular sa kahabaan ng Commonwealth Avenue mula sa Quezon City Circle hanggang sa Litex sa Batasan Road sa Sabado, upang matiyak na walang sagabal at mapigilan ang ano mang tangkang panggugulo ng New People’s Army (NPA) o ano mang grupo sa mismong araw ng SONA.

PUSPUSAN ang paglilinis at paghahanda ng ilang mga empleyado sa session hall ng Senado para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes. (MANNY MARCELO)

Bubuhos ang puwersa at ikakalat ang mga pulis sa Lunes at mahigpit na babantayan ang kilos ng mga magpoprotesta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue hanggang Batasan Road.

Ayon sa NCRPO chief, ina-tasan niya ang lahat ng station commanders at PCP commanders na higpitan ang pagbabantay sa matataong lugar sa Metro Manila, gaya sa malls, LRT at MRT gayondin sa PNR, bus terminal at paliparan.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *