HINDI na kailangang pakinggan si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison sa kanyang mga tirada ukol sa pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa New People’s Army (NPA) para magkakaroon ng peace agreement, ayon kay Capiz 2nd District representative Fredenil Castro sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila.
Ipinaliwanag ni Castro na batay sa mga nakalipas na kaganapan, hindi maiiwasang pagdudahan ng karamihan kung tunay ngang may kapangyarihan pa si Sison at ang mga opisyal ng National Democratic Front (NDF) sa NPA dahil sa kabila ng mga itinakdang ceasefire na pinagkasunduan ng magkabilang pa-nig ay patuloy pa rin ang ginagawang karahasan ng itinutu-ring na sandatahang puwersa ng CCP-NDF.
Naniniwala umano ang kongresista na mas makagu-gulo lamang kung bibigyan ng timbang ang mga pahayag ng grupo ni Sison dahil mararamdamang walang sinseridad sa pakikipag-usap sa government peace panel para makamit ang kapayapaan.
“Kahit may tigil-putukan ay patuloy sila (mga NPA) sa karahasan at pangingikil kaya kahit ano pa ang sabihin ni Joma (Sison) ay parang wala na itong bigat sa pagsulong ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at mga kaliwa,” aniya,
Ipinunto rin ng mambabatas mula sa Capiz na kung may ideolohiya mang ipinaglalaban ang mga NPA ay paso na ito at wala nang halaga sa kapa-nahunan natin ngayon dahil napatunayan na ito sa pagbagsak ng Unyong Sobyet at gayondin sa mga pagbabago sa People’s Republic of China (PRoC) na ngayo’y unti-unti nang lumilihis sa pagiging isang kapitalista dahil na rin sa globalisas-yon ng iba’t ibang mga eko-nomiya ng mundo.
Iminungkahi ni Castro na mas makabubuting direktang tugunan ng administrasyong Duterte ang problema sa NPA kaysa idaan sa pakikipag-ugnayan kay Sison dahil magpapaikot-ikot lamang ito kapag gayon ang ginawa.
(TRACY CABRERA)