Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alessandra, poging-pogi kay Empoy; celebrity screening, star studded

BONGGA ang naganap na celebrity screening ng pelikulang Kita Kita mula sa Spring Films at Viva Films na ginanap sa Trinoma Cinema 7 noong Martes ng gabi.

Bukod sa present ang dalawang bida ritong sina Alessandra de Rossi at Empoy, dumalo rin dito ang bumubuo ng Spring Films na sina Piolo Pascual, Erickson Raymundo, at Bb. Joyce Bernal. Naroon din ang ate Asunta ni Alessandra, ang magpinsang Ciara at Danica Sotto, Boy 2 Quizon, Jairus del Prado, Pen Medina, Axel Torrez, Yeng Constantino, Erik Santos, Angeline Quinto, ang mag-asawang Richard Poon, at Maricar de Mesa.

Sa pelikula ay nabulag si Alessandra dahil sa sobrang stress na ayon sa doktor na tumingin ay temporary blindness at muli siyang makakakita. Na bago matapos ang pelikula ay nakakita nga siya pero namatay naman ang boyfriend niya played by Empoy.

Noong nakipaghiwalay si Alessandra sa boyfriend niyang Hapon dahil pinagtaksilan siya nito ay noon din siya nabulag. Magkapitbahay sila rito ni Empoy at kahit bulag siya ay niligawan siya na sinagot naman niya. Na-develop siya kay Empoy dahil araw-araw ay binibisita siya nito sa kanilang bahay at laging may dalang food.

In fairness, may chemistry sina Alessandra at Empoy, huh! Ang lakas ng dating nila sa screen.

Nagustuhan namin ang istorya na ang kabuuan ay kinunan sa Japan. Ang nagustuhan naming eksena rito na talagang tumatak sa amin at natawa kami ay noong kinakapa ni Alessandra ang mukha ni Empoy para malaman niya kung ano ang hitsura nito. Ang dialogue ni Alessandra kay Empoy ay, “Pogi-pogi mo.” Na sinagot naman ni Empoy na, “Bulag ka nga.”

Showing na ngayon ang Kita Kita mula sa direksiyon ni Igrid Bernardo. Watch ninyo ito at sigurado kami na gaya namin ay talagang magugustuhan ninyo ang pelikula.

MA at PA – ROmmel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …