Saturday , November 16 2024
Stab saksak dead

Lola kinatay ng kawatan

 

TADTAD ng saksak at patay nang matagpuan ang isang 86-anyos lola makaraan pagnakawan sa kanyang bahay sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Prescila Trinidad, residente sa Sto. Domingo St., Brgy. Sto. Domingo.

Samantala, ikinokonsiderang “person of interest” ang houseboy ng biktima na patuloy pang kinikilala, dahil hindi matagpuan sa bahay.

Ayon sa kaanak ng biktima, hindi nila kilala ang houseboy dahil bihira silang magpunta sa bahay ng matanda.

Sa imbestigasyon, dakong 11:30 am nang matuklasan ang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Natuklasan ang bangkay nang maghahatid ng pagkain para sa biktima ang isa sa mga kaanak ng matanda.

Ayon kay Supt. Rodel Marcelo, hepe ng CIDU, robbery ang nakikitang motibo sa krimen dahil nawawala ang mga alahas at cash ang biktima. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *