Wednesday , December 25 2024

Kudos MPD PS3 at Blumentritt PCP!

BINABATI natin ang masisipag na pulis ng MPD PS-3 na pinangungunahan ni P/Supt. Tom Ibay na walang tigil sa kampanya kontra krimen at droga sa Sta. Cruz Maynila.

Mismong si Supt. Tom Ibay kasi ay masigasig sa pagkapa sa mga notoryus na kriminal sa kanilang AOR.

Mas naging aktibo kontra krimen ang nasabing presinto, gayondin ang mga police detachment nito tulad ng Blumentritt PCP na pinamumunuan ni C/Insp. Marlon Mallorca na kahit hindi magkamayaw sa pagmamantina ng maayos at mapaluwag lagi ang daloy ng trapiko sa Blumentritt.

Patuloy ang kampanya kontra ilegal na droga bilang suporta sa kanyang hepe na si Supt. Tom Ibay at kay MPD Director C/Supt. Joel Napoleon Coronel!

Hindi rin matatawaran ang mga opisyal sa loob ng MPD PS3 na sina P/Insp. Manzon at Sr/Insp. Allado.

Ang napakasipag sa pakikipag-ugnayan sa barangayan na si S/Insp. Ana Lourence Simbajon at kanyang PCR personnel!

Mabuhay kayo mga sir at more accomplishment to come!

SUMBONG AT REKLAMO LANG PO!
(ATTN: MPD DG JOEL CORONEL)

Magandang araw po Mr. Yanig sir, sumbong ko lang po dito sa aming lugar sa Gagalangin, Tondo lantaran po ang ilegal na droga hindi lang po shabu kundi pati ang Marijuana ay naibebenta na rin dito sa Pagasa St., na mga kabataan ang parokyano, may mga mekaniko pa po na taga-Fernandez St., kagrupo ng napatay na karnaper ng motorsiklo, Gayon rin po sa lugar ng aking kamaganak sa Kapalungan St., Don Bosco Tondo Sir nakakatakot na naman ulit ang pamamayagpag ng mga kabataan na sila mismo ang nagbebenta hindi lamang shabu, marijuana at pati valium na dati nang nasawata pero bumabalik na ulit ngayon at ibinebenta sa kalsada. Pakitago po ang email address ko sir at sana’y makarating sa kinauukulan ang matinding pangangailangan ng mga taga-Tondo na maibalik ang dating sinimulan ng pulisya ni General Bato gaya ni Kernel Domingo!

DRUG CLEARED
BARANGAY
SA MAYNILA!

NAgsagawa ng confirmation of drug cleared barangays ang pulisya kasama ang kanilang punong alkalde na si Mayor Joseph Estrada na kinompirma ang ilang lugar na wala na anilang droga!

Binabati natin ang PACO PCP na pinamumunuan ni C/Insp Cenon Vargas at PAZ PCP ni C/Insp. ‘Batang Toundo’ Oceo na talaga namang desidido at puspusan ang information dissemination kontra droga sa kanilang nasasakupan.

Hindi naging madugo ang implentasyon ng kampanya kontra droga pero naideklarang drug cleared ang ilang barangay sa kanilang AOR.

Sabi nga nina Major Vargas at Major Oceo noong nakadaupang palad natin ang dalawang antigong opisyal, mahigpit ang utos sa kanila ng district director kontra ilgal na droga.

***

Anyway, binabati natin sina Major Vargas at Major Oceo na nagpanumbalik ng ningning at saya sa mga ngiti nina MPD Director General Joel Napoleon Coronel, P/Supt. Danilo Macerin CDDS at chief D5 DPCRD P/Supt. Carlo Magno M. Manuel nang humarap kay Mayor Erap.

Pagbati sa barangay officials na tunay ang pakikipagtulungan sa pulisya kontra ilegal na aktibidad partikular ang droga!

Mabuhay ang MPD sa pamumuno ni DG Coronel!

IKALAWANG BLOODLETTING
PROGRAM NG MPDPC!

Tinatawagan natin ng pansin ang mga nais makatulong sa mga sugatan nating kababayan na sundalo at pulisya na nakikipagbakbakan sa giyera sa Marawi na nangangailangan ng dugo upang maisalba ang kanilang buhay.

Sa darating na Sabado ng umaga 22 Hulyo 2017 magsasagawa ng ikalawang bloodletting program ang MPD Press Corps sa pamumuno ni katotong Prexy Mer Layson kasama ang masisipag na kasama sa media at ang Red Cross, bilang dugong alay sa mga sugatan nating bayani sa Marawi.

Bukas po para sa lahat na nais mag-alay ng dugo sa bloodletting program mula Sabado ng umaga hanggang hapon sa MPD HQ UN Ave., Ermita, Maynila.

Muli isang pagbati sa liderato ng MPDPC sa pamumuno ni katotong Mer Layson.

Mabuhay mga katoto sa MPDPC!

YANIG – BONG RAMOS

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *