IPINATATANGGAL ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang larawan sa lahat ng opisina ng pamahalaan.
Sinabi ni Pangulong Duterte, maglalabas siya ng direktiba na magbabawal sa paglalagay ng kanyang larawan at iba pang opisyal ng pamahalaan sa mga tanggapan ng gobyerno at palitan ng mga retrato ng mga tunay na bayani ng bansa.
“Nabuang man ang mga ganoong tao. Doon mo iyan ilagay sa pamilya ninyo, sa sala,” ani Duterte sa talumpati sa Palasyo kahapon.
“I’ll issue the order. Gusto ko ang mga hero natin [ang ilagay], para ma-emulate ng mga bata. ‘Yung iba sa picture, ilang beses nang dumaan ng graft and corruption sa kaso e,” dagdag niya.
Sa Cuba, ganito rin ang ginawa ng namayapang pangulo na si Fidel Castro.
Ibinilin niya sa kapa-tid na si Raul Castro, humaliling Pangulo sa kanya na huwag gamitin ang kanyang pangalan sa ano mang institusyon o kalye.
(ROSE NOVENARIO)