Saturday , November 16 2024
dead gun

Tulak pumalag sa parak, tigbak

 

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Agad binawian ng buhay ang suspek na si Darwin Paloma, 39, alyas Jaguar, ng Phase 8, Package 5, Brgy. 176, Bagong Silang, ng lungsod, habang nakatakas ang kanyang kasamang hindi pa nakikilala.

Ayon kay Caloocan police chief, Senior Supt. Chito Bersaluna, dakong 2:30 am nang makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-3 hinggil sa lantarang pagbebenta ng mga suspek ng ilegal na droga sa nasabing lugar.

Agad nagtungo ang mga operatiba ng PCP-3 Drug Enforcement Unit (DEU) sa naturang lugar at naabutan ng suspek habang nakikipagtransaksiyon sa ilegal na droga.

Nang mapansin ng mga suspek ang mga pulis ay agad nilang pinaputukan ang mga operatiba.

Napilitang gumanti ng putok ang mga pulis naging dahilan upang tamaan ng bala si Paloma habang nakatakas ang kanyang kasama. (ROMMEL SALES)

 

About Rommel Placente

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *