Monday , December 23 2024

Mag-utol, 3 pa itinumba sa QC

PATAY ang tricycle driver na kinilalang si Edcel Castillo makaraan pagbabarilin habang namamasada ng ‘di nakilalang suspek sa Brgy. South Fairview, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

LIMA katao, kabilang ang magkapatid, ang pinagbabaril at napatay ng hindi nakilalang mga suspek sa magkakahiwalay na insidente sa Quezon City.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang magkapatid ay kinilalang sina Ferdinand, 30, at Juan Carlo Amansec, 28, kapwa residente sa Sitio Sto. Niño, Brgy. Fairview, ng nasabing lungsod.

Napag-alaman, nasa loob ng kanilang bahay ang magkapatid nang pasukin ng mga suspek at pagbabarilin dakong 11:00 pm kamakalawa.

Si Ferdinand ang napatay sa pinangyarihan ng insidente habang isinugod sa East Evenue Medical Center si Juan Carlo ngunit binawian ng buhay dakong 3:00 am kahapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid, ang magkapatid ay hinihinalang mga miyembro ng basag kotse gang at pinaniniwalaang itinumba ng kanilang mga kasamahan.

Dakong 11: 25 pm kamakalawa, nang pagbabarilin ang biktimang si Edcel Castillo, 28, ng Roces St., Brgy. Greater Fairview, sa naturang lungsod.

Ayon sa isang saksi, nakatayo ang biktima nang dumating ang mga suspek lulan ng isang Toyota Innova. Bumaba ang isa sa mga suspek at pinagbabaril si Castillo na agad binawian ng buhay.

Makalipas ang 20 minuto, sunod na itinumba si Marvin Delos Santos, 40, taga-Maligaya St., Freedom Park, Brgy. Batasan Hills, Quezon City, ng hindi nakilalang suspek.

Nanonood ng telebisyon ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang pasukin ng suspek at pagbabarilin.

Nauna rito, dakong 7:00 pm, nakikipaglaro ng cara y cruz ang biktimang si alyas Atoy sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City nang barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek. (ALMAR DANGUILAN)

 

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *