Saturday , November 16 2024

Hiling ni Duterte sa Kongreso: Martial law sa Mindanao hanggang bagong taon

HINILING ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Kongreso na palawigin ang bisa ng martial law at ang suspensiyon ng pribilehiyo sa “writ of habeas corpus” sa buong Mindanao hanggang matapos ang 2017.

Binasa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa press briefing sa Palasyo, ang liham ni Duterte sa Kongreso na nagsasaad ng hirit niyang hanggang 31 Disyembre pairalin ang martial law dahil hindi pa kayang tuldukan hanggang 22 Hul-yo ang nagaganap na rebelyon sa Mindanao.

“For this reason and because public safety requires it, I call upon the Congress to extend until 31st December 2017 or for such a period of time as the Congress may determine the proclamation of martial law and the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus in the whole of Minda-nao,” anang Pangulo sa liham.

Ikinonsidera ng Pa-ngulo sa pagbuo ng de-sisyon ang rekomendas-yon ng pulisya’t militar.

“The primary objective of the possible extension is to allow our forces to continue with their ope-rations unhampered by deadlines and focus more on the liberation of Marawi and its rehabilitation and rebuilding,” ani Abella.

Matatandaan, isinai-lalim ng Pangulo ang buong Mindanao sa batas militar kasunod nang pag-atake ng mga tero-rista mula sa Maute/ISIS sa Marawi City.

ni ROSE NOVENARIO

 

 

BATAS MILITAR
GAGAMITING
LUNSARAN
NG BAKBAKAN
NG AFP AT NPA

SINASAMANTALA ng New People’s Army (NPA) ang martial law sa Mindanao para maglunsad ng ibayong pag-atake sa tropa ng pamahalaan sa buong bansa.

Sa panayam sa Palasyo kay AFP chief of staff, Gen. Eduardo Año, inamin niya na ang inirekomendang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao kay Pangulong Rodrigo Duterte, ay u-pang magapi ang lahat ng banta sa seguridad, hindi lang Maute/ISIS terror group kundi maging ang NPA.

Naniniwala si Año, malaki ang naitutulong ng martial law para limita-han ang pagkilos ng mga armadong grupo.

“Ito rin ang ganda ng martial law because we restrict the limit of three armed groups. Kung walang martial law, madali lang naka-reinforce ang mga ito e. With martial law nakapag-impose tayo ng curfews at ng checkpoints sa selected areas while it is inconvenient for public but it restricted the movement of armed groups,” dagdag niya.

Kasabay ng pahayag ni Año ay naglabas ng kalatas ang Communist Party of the Philippines (CPP) na nag-uudyok sa NPA na ipagpatuloy ang pagpapalakas ng puwersa sa pamamagitan nang paglulunsad ng opensibang militar sa buong bansa upang gapiin ang Mindanao martial law at “nationwide all-out-war.”

Kinondena ng CPP ang hirit na martial law extension ni Duterte sa Kongreso hanggang katapusan ng 2017.

“Duterte continues to build the foundations of authoritarian rule under US imperialist tutelage. His supermajority of congressional sycophants are likely to approve without question Duterte’s Min-danao martial law extension plan,” anang CPP.

“He has launched a war which he cannot fi-nish. The Duterte-US-AFP war has roused the Moro people to take up arms to seek retribution for all the death and des-truction perpetrated by the fascist siege and incessant aerial bombardment of Marawi City,” dagdag ng CPP.

Samantala, sinabi ni Año, may 800 terorista pa ang nakakalat sa iba’t ibang parte ng Mindanao at 35 sa kanila’y foreign jihadists.

Karamihan aniya ng foreign jihadists ay ilegal na nakapasok sa bansa habang ang mga dumaan sa paliparan ay walang criminal records sa pinanggalingang bansa sa Middle East.

Katuwiran ni Año, nakikipagtulungan ang mga embahada ng Middle East countries sa bansa sa mga awtoridad sa pagbibigay ng impormasyon sa kanilang mga mamamayan na pinaniniwalaang nagre-recruit ng mga miyembro ng Maute/ISIS.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *