Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beauty queen, mahilig tumikim ng kakanin pero ‘di naman bumibili

 

ISINUSUMPA pala ng mga tindera ng kakanin ang beauty queen-turned-actressna itey dahil sa bulok nitong style sa tuwing mapapadaan sa kanilang puwesto.

“Naku, kung mamalasin ka nga naman, oo! Banned na sa amin ang hitad na ‘yon! Imadyin, ang style niya kapag magagawi sa puwesto namin, eh, ‘Ale, ale, masarap ba ‘yang tinda mong biko?’ Siyempre, oo naman ang isasagot namin. ‘Oo, ma’am, masarap na masarap, ‘di ka magsisisi kapag bumili ka. Eto, tumikim ka.’ Ang gagah, titikim naman. Hala, nabusog na yata sa katitikim, ang ending, lalayas na siya! Hindi na rin siya bumili!’”

‘Yun at ‘yon din daw ang drama ng aktres sa mga kalapit na puwesto. Mapapadaan, magtatanong kung masarap ‘yung mga nasa bilao, titikman, at kapag halos maubos na ‘yung pang-free taste ay bigla na lang magbababu nang hindi naman bumibili.

“Hay, markado na ‘yang hitad na ‘yan sa aming mga tindera. Kaya kapag mapapadaan ‘yan sa puwesto namin, antimano sinasabi na namin sa kanya na wala nang libreng tikim dahil sa mahal ng mga sangkap!” sey ng aming nakatsikahan.

Da who ang dating beauty queen na nag-showbiz na taste lang nang taste ng lafang pero wa naman sa pagka-buy? Itago na lang natin siya sa alyas na Isadora Kapal-fez. (Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …