Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 laborer sugatan sa bigang ‘bumigay’ (Sa itinatayong Skyway sa Makati)

 

LIMANG laborer ang sugatan nang bumigay ang cobin beam rebars sa itinatayong Skyway Stage 3 sa Osmeña Highway, Makati City. (ERIC JAYSON DREW)

SUGATAN ang limang contruction worker nang ‘bumigay’ ang cobin beam rebars/scaffolding sa itinatayong Skyway Stage 3 sa Makati City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Makati City Police chief, S/Supt. Gerry Umayao, ang mga biktimang sina Norman Nicolas, Ronald Degamo, Jerwin Deocarisa, JR Bala-quidan, at Guillermo Santos, Jr., pawang nasa hustong gulang, dumanas ng minor injuries sa kanilang katawan.

Ayon sa ulat ng pu-lisya, nangyari ang insidente sa construction site ng itinatayong Skyway Stage 3, sa pamamahala ng DMCI, sa harapan ng Cash and Carry mall, sa kanto ng Osmeña Highway at Gil Puyat Avenue, Makati City, dakong 9:15 am.

Sinasabing biglang gumuho ang scaffoldings dahilan nang bahagyang pagkakasugat ng limang construction workers na agad dinala sa pagamutan.

Isang Toyota Avanza ang nabasagan ng windshield habang ang Honda Jazz ay nayupi ang rear panel dahil sa bumagsak na debris ngunit himalang hindi nasugatan ang mga driver.

Sinabi ng DM Consuji, Inc. (DMCI), iniim-bestigahan na ng kanilang safety and technical personnel para matukoy ang tunay na sanhi ng pagguho ng biga.

Nag-abiso ang DMCI sa mga motorista na humanap ng mga alternatibong ruta habang nililinis nila ang lugar.

“We sincerely apologize for the inconvenience this caused the public,” saad sa opisyal na paha-yag ng DMCI.

Ang Metro Manila Skyway Stage-3 (MMSS-3) ay nagkakahalaga ng P26.65 bilyon na pino-pondohan ng isang unit ng San Miguel Corporation (SMC) at ang cons-truction firm ay DMCI na may 32-month engineering, procurement and construction (EPC) project.

(JAJA GARCIA may kasamang ulat ni Ivel John M. Santos)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …