Sunday , April 13 2025

Sales ng Mile Long property para sa pabahay (Para sa mga sundalo)

GAGAMITIN sa pagpapatayo ng mga pabahay ng mga sundalo ang pagbebentahan ng Mile Long property kapag ibinalik ng pamilya Prieto sa pamahalaan.

Nangungunyapit aniya ang mga mayayaman sa maraming ari-arian ng gobyerno, na ang tinutukoy ay mga Prieto, may-ari ng pahayagang Philippine Daily Inquirer (PDI).

“Kayong mga mayayaman, you are hanging onto a lot of things that are government own. Kaya ang Mile Long, i-surrender mo iyan kasi ipagbili ko iyan, gawin ko, I promise you, I will build as many houses as the money can accommodate. Gawain ko lahat iyan PAGIBIG, pati iyong mga sundalo gawaan ko ng mga bahay. Iyan ang gawain ko sa pera. And I commit that to the nation, sa lahat na nakikinig na Filipino, gagawin ko iyang bahay para sa mahirap,” aniya sa talumpati sa mass oath-taking ng mga bagong talagang government officials kahapon sa Palasyo.

Nauna nang nagbanta si Duterte na kokompiskahin ang yaman ng mga Prieto kapag hindi ibinalik sa pamahalaan sa loob ng anim na buwan ang Mile Long Property na pagmamay-ari ng estado na ‘ipinaupa’ ng mga Marcos sa Sunvar Realty Dev’t Corp. ng pamilya Rufino-Prieto, pero hindi binayaran.

Noong 2009 ay kinasuhan ng administrasyong Arroyo ang pamilya Rufino-Prieto dahil sa nasabing usapin.

May kinakaharap pa aniyang P1.3-B tax evasion case ang pamilya Rufino-Prieto sa isa pang kompanya nila, ang Dunkin Donuts.

ni ROSE NOVENARIO


INQUIRER
INIAALOK
KAY ANG

Kaugnay nito, inihayag ni Marixi Rufino Prieto, presidente ng Inquirer Group of Companies, na ipagbibili na nila ang mayoryang shares kay San Miguel Corporation Chairman Ramon Ang.

Si Ang ay katuwang sa unang socialized hou-sing project sa Davao City para sa informal settlers ng siyudad.

 

About Rose Novenario

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *