Saturday , November 16 2024
dead gun police

Hustisya sa pinaslang na health workers (Hirit ni Sec. Ubial)

 

NANAWAGAN si Health Secretary Paulyn Ubial sa mga awtoridad na madaliin ang pagresolba sa mga kaso ng pagpatay sa health workers, hindi lang para mabigyan ng hustisya kundi upang mapatunayan ang kakayahang bigyan proteksiyon ang mga mamamayan.

“We’re calling on the police and our security and investigation agencies to fast-track the early resolution of these cases and to bring to justice those who perpetrate these acts because that’s the only way we can actually protect not just the health workers but our people in general, to make sure that those who perpetrate the crime are brought to justice,” giit ni Ubial sa press briefing sa Palasyo kahapon.

Noong nakalipas na linggo ay binaril ng riding-in-tandem si Cavite provincial health officer George Rapique, Jr.

“He was actually murdered point blank by riding-in-tandem assailants is still under investigation. So we have not uncovered the reason for such murder of our doctor,” ani Ubial.

Si Rapique aniya ay ikaapat sa mga pinaslang na health worker ngayong taon, nauna sina Drs. Dreyfuss Perlas, Sajid Jaja Sinolin-ding at isang hindi niya tinukoy.

“Actually to our count, there are four health workers already subjected to senseless killing this year. The first was Dr. Dreyfuss Perlas in Lanao del Norte, the second was a doctor in Cotabato City attending to patients was gunshot or subject to gunshot in broad daylight, and the third was another health worker from DoH ARMM and whose throat was slit in front of his pregnant wife in Arakan Valley, North Cotabato, and the fourth one is the provincial health officer of Cavite,” dagdag ni Ubial.

Matagal nang humihirit si Ubial sa mga lokal na pamahalaan na bigyan proteksiyon ang health workers upang mas makapagsilbi sa mga pamayanan.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *