ALL along ay pinaghihinalaang tibambam (read: tibo o tomboy) ang direktorang itey, palibhasa kasi kung pumorma’y iisipin mo ngang hindi siya isang ganap na girlilet.
Pero huwag ka, isang source ang nagtsika sa amin na girlash na girlash si direk, ”Hoy, magtigil ka sa kapapaniwala mong isa siyang ‘Butch,’ ‘no! Eh, nagkadyunakis nga siya, ‘no! ‘Yun nga lang, usap-usapan sa showbiz kung sino ang nakadyontis sa kanya, boypren ba niya, isang aktor or what!”
Hot copy kasi si direk nitong mga nagdaang araw. Na-Julie Bonifacio (nahuli) daw kasi itong may kung anik na mahiwagang ginagawa sila ng isang baguhang aktor.
So, hindi pala tomboyita si direk, pagkaklaro namin. ”’Day, hinding-hindi! Ni patak ng katomboyan, eh, walang nananalaytay sa dugo niya. Eh, malanturay nga siya, ‘no! ‘Yun nga lang, magaling siyang magdala ng kanyang kakyondian!”
Da who ang makamandag palang direktora na kung umasta’y aakalain mong tiburcio pero may kalantuayan din pala ang hitad?
Itago na lang natin siya sa alyas na Bernadette J. Oyson.
(Ronnie Carrasco III)