Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine, ibinuking ni Ali, gusto nang sundan si Amarah

 

ANG asawang si Cristine Reyes at hindi si Ali Khatibi ang gusto nang sundan ang kanilang 2 taon at limang buwang taong gulang na anak, si Amarah.

Ayon kay Ali nang makausap namin sa presscon ng Double Barrel ng Viva Films, gusto muna niyang i-enjoy ang kanilang panganay kaya ayaw muna niyang masundan ito.

Gusto rin muna niyang mabayaran ang kanilang bahay.

“There are things to be done. Sabi ko, once na ma-settle namin ‘yun then puwede na,” paliwanag ng actor na aminadong gustong magkaroon ng apat na anak.

Kahanga-hanga naman ang katwiran ni Ali nang matanong ukol sa kung handa na siyang harapin ang mga temptation ngayong nagso-showbiz na rin siya.

Aniya, kahit wala siya sa showbiz alam niyang may mga temptation na darating pero, mas iniisip niya ang kanyang pamilya. ”Kapag ‘pag may ginawa akong kalokohan, hindi ko lang niloloko ‘yung asawa ko, pati ‘yung anak ko.” Kaya naman hindi niya naiisip na magloko dahil napakahalaga sa kanya ang pamilya.

Aminado siyang selosa noon si Cristine pero ngayon ay malaki ang tiwala nito sa kanya at ipinaramdam talaga niyang wala itong dapat ipagselos kahit kanino.”Secured na siya sa akin and I don’t give her any reason naman para magselos,”katwiran pa ni Ali.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …