Wednesday , May 14 2025

Terorista sa turkey pilantropo sa AFP (1997 pa sa PH)

 

MAAARI bang imbestigahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang hanay sa pagbibigay parangal sa itinuring nilang pilantropong Turkish pero most wanted terror suspect sa Turkey?

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, bineberipika ng militar ang kompirmasyon ni Turkish Ambassador Esra Cankorur sa presensiya ng Turkish terrorists sa Filipinas mula sa Fetullah Gulen Movement.

Sinabi ni Abella, iimbestigahan at pananagutin ng Palasyo ang mga organisasyon na umaayuda sa terorismo lalo na ang nagsisilbing mga prente para sa mga terorista at “criminal activities” batay sa alegasyon ng Ambassador.

“We will investigate organizations abetting or aiding terrorism and will hold them accountable, especially those that may be working as fronts for terrorist and criminal activities, as alleged by the Ambassador,” ani Abella.

Ngunit lingid sa kaalaman ng Malacañang, pinarangalan ng AFP si Fatullah Gulen noong Setyembre 2013 dahil sa pagiging pilantropo sa bansa at kontribusyon sa kapayapaan ng Hizmet, “faith-based movement,” na humango ng inspirasyon kay Gulen.

Ipinagmalaki ni Gulen sa kanyang website fgulen.com sa isang beef-sharing ceremony, pinarangalan siya ni Phil. Army Gen. Leonardo Guerrero dahil tinatanaw na utang na loob ang mahahalagang aktibidad ng kanyang kilusan sa Filipinas.

“More than 100 high-level Philippine commanders and a number of Turkish invitees participated in the ceremony, including Guerrero, Gendarmerie Command Civil Operations Commander Col. Arnulfo Marcelo B. Burgos, army commander Col. Ramiro Manuez A. Rey, Foundation of International Turkish Schools Director General Malik Gencer, Pacific Dialogue Philippines Foundation Chief Ferhat Kazkondu, Turkish Chamber of Commerce of the Philippines Head Ýrfan Karabulut and Vendeka Information Technologies Director General Baki Kuran,” ayon sa balita sa website ni Gulen.

Ayon kay Cankorur, aktibo ang grupo ni Gulen sa Filipinas simula noong 1997 sa pamamagitan ng paaralan nila sa Zamboanga at dalawa pang paaralan sa Maynila, at mga foundations.

“This is their façade, thinking them as civic education institutions and innocent charity organizations. That will be a huge mischaracterization, that is wrong. They are the façade. They talk about inter-faith dialogue, but they are concealing themselves,” anang Ambassador.

“We consider Fetullah Gulen as a terrorist organization and any organization or persons linked or affiliated to that group is like sleeping cells,” giit niya.

Sa artikulong lumabas sa dailysabah.com na “A ‘golden’ age for terrorist group leader Gülen in the US,” inilahad ang mala-haring pamumuhay ni Gulen sa kanyang 100-acre land sa Saylorsburg, Pennsylvania mula nang mag-self-exile sa Amerika dahil tinutugis siya sa Turkey bilang most wanted terror suspect.

Nakapagtatag ng empire si Gulen ng mga kompanya at mga paaralan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Para sa gobyerno ng Turkey, ang Gülenist Terror Group (FETÖ) ni Gulen ang pasimuno ng tangkang kudeta sa kanilang bansa noong nakalipas na taon.

Kinukupkop umano ni Gulen ang mga kasapi ng FETO sa kanyang lungga sa Amerika kapag pinag-initan ng mga awtoridad sa Turkey.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *