Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza Diño sa The Eddys: Kudos for bringing back glitter and glamour in awards ceremonies

 

MATAGUMPAY na nairaos ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang kanilang kauna-unang The Eddys Entertainment Editors’ Awards na ginanap sa Kia Theater noong Linggo, Hunyo 9 at mapapanood sa Linggo, Hunyo 15, sa ABS-CBN Sunday’s Best pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

Ang mag-amang Edu at Luis Manzano ang naimbitahang mag-host na ngayon lamang pinagsama sa kauna-unahang pagkakataon.

Nagningning pa ang gabi ng parangal dahil sa mga presenter na naroon tulad ninaPinoy Big Brother Lucky Season 7 love teams Kisses Delavin at Marco Gallo at Maymay Entrata at Edward Barber. Naroon din ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, JC Santos, Bela Padilla, Cristine Reyes, Jodi Sta Maria, at ang mga bida sa Bloody Crayons na sina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Naging mas exciting pa ang star studded night sa mga performance na ipinakita nina Nadine Lustre at James Reid; Yassi Pressman at Arjo Atayde; Ella Cruz atJulian Trono; at ang special song number na tribute kay Willie Cruz nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Morisette, at Klarisse de Guzman.

Kahanga-hanga naman ang pagdalo nina Nora Aunor at Rhian Ramos, parehong nominado sa Best Actress category na pinanalunan ni Vilma Santos para sa pelikulang Everything About Her. Nominado rin sa kategoryang ito sina Charo Santos, Hasmine Killip, at Ai Ai delas Alas.

Ayon kay Rhian na dumalo kasama ang kanyang dalawang taon ng boyfriend, na isang malaking karangalan para sa kanya ang ma-nominate kasama ang mga kilala at magagaling na aktres.

Marami ang humanga sa ipinakitang sportsmanship na iyon ng batang aktres na sana’y tularan ng iba. Hindi dapat tinitiyak na mananalo at saka dadalo sa awards night.

Kahit nga ang isang Superstar na tulad ni Nora na hindi rin naman sure kung siya ang magwawagi ay naroon. Ipinakita lamang niya na suportado niya ang magbibigay ng awards.

Samantala, malaki rin ang pasasalamat ng SPEEd sa mga dumalo at nakiisa sa The Eddys tulad nina Boots Anson Roa, Liza Dino-Esguera, chair ng Film Development Council of the Philippines at iba pa.

Sa mensahe ni Dino sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, sinabi niyang,”Congratulations Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) for a successful Awards Night. Amaing list of nominees and very beautiful production! More power and kudos for bringing back glitter and glamour in awards ceremonies! Cheers to many more years of celebrationg Philippine Cinema! Mabuhay kayo.

Ang The Eddys ay joined production ng Viva Live at ABS-CBN na mapapanood ngayong Linggo pagkatapos ng GGV.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …