Thursday , December 26 2024

Coco, metikuloso sa pagdidirehe ng Ang Panday; Mga batikang action star, nagpasalamat

 

HINOG na hinog na ang isang Coco Martin sa pagsabak bilang director ng Ang Panday, isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre, kung pagbabasehan ang mga karanasan niya sa pelikula at telebisyon.

Halos isang dekada na si Coco sa telebisyon at napatunayan na niya ang buong suporta ng mga Pinoy dahil sa bawat seryeng ginagawa niya, laging patok at nangunguna sa ratings. Mula sa Tayong Dalawa, Kung Tayo’y Magkakalayo, Walang Hanggan, Iisa Pa Lamang, Juan dela Cruz at hanggang sa Ang Probinsyano, walang kailangang patunayan ang isang Coco.

Sa totoo lang, siya na ang aktor na may pinakamaraming awards at pagkilala sa larangan ng kahusayan.

Sa kabilang banda, puspusan na ang shooting ni Coco ng Ang Panday na ginagawa niya tuwing Huwebes, Sabado, at Linggo. Ang mga natitirang araw naman ay inilalaan niya para sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Anang actor, naisaayos na niyang mabuti ang shooting at tapings niya para hindi magkagulo ang mga schedule at para mas maging maayos ang mga bagay-bagay. Tila napaka-metikuloso ni Coco sa pagdidirehe na lahat ng detalye ay gusto niyang alamin at ayusin. Na nararapat lamang dahil gusto ni Coco na tuloy-tuloy at walang aberya ang maging takbo ng kanilang proyekto.

Pawang papuri at pasasalamat naman ang nasabi ng mga iginagalang na beteranong action star kay Coco. Sa video post ng kanyang manager na siBiboy Arboleda, ipinahayag nina Val Iglesias, Jess Lapid, King Gutierrez, Dindo Arroyo, Eli Alminares, at Tom Olivar ipinahayag ng mga ito ang kanilang saloobin ukol sa pagdidirehe ng tinaguriang Primetime King.

“Isa ako sa masuwerte at pinalad na makasama sa ‘Ang Panday’. Kasi alam ko na bukod sa magandang istorya, magaling ang aming direktor, at lahat kami nagkakatulong-tulong dito,” anang aktor, stuntman, at direktor na si Iglesias. ”Ipinapanalangin ko sa Panginoong Diyos, Sapagkat marami kang natutulungang tao.”

“Natuwa ako kasi naalala ako ulit ni Coco para sa movie niya. Nae-excite ako dahil hindi ko inakala na makakasama ako rito. Pagbutihin mo pati ang iyong journey sa pagiging bida, direktor at producer,” sambit naman ni Jess.

“Sa palagay ko ‘Ang Panday’ ay ang pinakamaganda sa darating na Pasko para panoorin. Dahil ito pambata, pammatanda, at saka may comedy din.Sana galingan mo, Kayang kaya mo ‘yan. Bilib ako sa ‘yo. Basta tandaan mo lang palagi kang nakaapak sa lupa,” sabi naman ni Alminares.

“Maganda ang istorya ng ‘Ang Panday’, para sa lahat ng ages, lahat ng sex, hindi lang pang lalaki, for family. Kumbaga very, very entertaining. Kaunting relax din, dahil ‘yung health imagine marami kang ginagawa, marami kang natutulungan!-” susog naman ni Arroyo.

Inaabangan naman ni Gutierrez ang bagong timplang gagawin ni Coco sa bagong bersiyon ng Ang Panday. Gumanap na kasi sa nakaraang Ang Panday si Gutierrez.”Natutuwa ako sa outcome niyong FPJ na bago, Nasasayo eh!.”

Kaabang-abang din para kay Olivar ang pagkikita nila ni Coco bilang Ang Panday. ”Sana makagawa pa tayo ng higit pa sa ‘Panday’,” ani Olivar.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *