MASAYA si Albert Martinez na kasama siya Metro Manila Film Festival entry ni Coco Martin, ang Ang Panday.
“Ito kasing ‘Panday’ is a collaboration ng lahat ng naging kaibigan ni Coco in the industry. So, nagtutulong-tulong kami to make this film, kumbaga, an epic film, to make this film a very interesting film.
“Lahat-lahat kami nag-chip in to be part of this project,” ani Albert.
Hindi ito ang unang pagkakataong magkakatrabaho sina Albert at Coco sa pelikula. Nagkasama na sila sa Born To Love You with Angeline Quinto.
Ukol naman sa kontrobersiyang nagaganap sa MMFF, nasabi ni Albert na dapat maging realistic ang bumubuo nito. ”Ako kasi idinaan ko na rin ‘yang dilemma na ‘yan. And it came to a point na tinanggap ko na ‘yung, ‘Ano ba talaga ang main purpose ng Metro Manila Film Festival?’
“So, naging tradisyon sa MMFF is an entertainment event every December. Siyempre, ang kinukuha nila o ang priority nila is what entertains the public for December. Tinanggap ko na ‘yon, na ganoon na talaga sila.”
Suhestiyon ng actor na magkaroon na lamang ng malaking indie film festival.”‘Yung mala-Sundance Film Fest ang dating para roon ipalalabas ang mga quality film.
“And if we’re going to make it like gusto nating maging competition talaga, we should come up with another festival na focus on real competition.
“Doon dapat kasali ‘yung great films na talagang not necessary commercially viable pero with a fantastic narrative, with a fantastic ensemble acting and of course, isama na rin ‘yung indie at the same time.”
“Kumbaga, convergence dapat. Ito na yung ultimate indie film festival. Para hindi mixed ang crowd,” paliwanag pa ni Albert.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio