Wednesday , May 14 2025

Tutang PH leaders sinisi sa suspendidong death penalty

 

SINISI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagiging tuta ng Amerika ng mga naging Punong Ehekutibo ng bansa kaya sinuspendi ang death penalty at lumobo ang karumal-dumal na krimen.

Sa kanyang talumpati sa ika-26 anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kahapon, sinabi ng Pangulo, masyadong malupit ang mga kriminal lalo na ang mga teroristang grupong Abu Sayyaf Group, Maute/ISIS pero sinunod ng mga dating lider ng bansa ang ud-yok ng US at European Union na suspendihin ang implementasyon ng death penalty sa Filipinas.

“In our country, the Abu sayyaf — the ever cruel, and brutal group there – allied with ISIS, continue to behead in a most – it’s almost anima-listic urge to just decapitate people,” aniya.

“Dito sa atin, what makes it really more odious to us is kinokontrol tayo ng mga nasa Amerika,” wika niya.

“Yung libertarians kuno and those with advanced studies of what civilization is would insist that it is always wrong to kill a person even if he’s the hardened criminals,” dagdag ng Pangulo.

Kaya aniya siya nagalit ay itinuring siya ng US State Department na parang federal postal employee na kinastigo sa buong mundo dahil sa drug war ng kanyang administrasyon.

Pareho aniya sila ng sentimyento ni Indonesian President Joko Widodo na nainis sa pakikialam ng US at EU sa death penalty gayong umiiral ang parusang kamatayan sa Amerika at ibang bansa sa Europa.

Labis na ikinagalit din ng Pangulo ang aniya ay panukala ng EU at isang American doctor na magtayo ng drug centers ang gobyerno, payagan gumamit ng shabu o coccaine nang libre bilang bahagi ng rehabilitation sa drug addict.

Malaking insulto aniya sa kanya ang na-sabing suhestiyon dahil mahirap na nga ang bansa, ang gusto pang ipagawa sa gobyerno ay gastusan ang bisyo ng drug addicts gayong sila ang mga responsable sa mga krimen.

Aniya, hihintayin niya ang kinatawan ng US at EU sa Palasyo na magbibigay ng nasabing suhestiyon at sasampalin niya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *