Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug-trade balik-Bilibid (Inamin ni Digong)

 

INAMIN ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, nagbalik ang kalakalan ng illegal drugs sa New Bilibid Prisons (NBP) at maging sa Davao Penal Colony ay kontaminado na rin ng drug syndicate.

Ayon sa Pangulo, ang pakikipagsabwatan ng jail personnel sa mga preso para makagamit sila ng mobile phone ang dahilan kaya sumigla muli ang drug trade sa bilangguan.

“Kaya diyan sa Bilibid, maski ano ang gawin natin, pasok nang pasok pa rin ang mga—and because ang droga bumalik na naman, allegedly about 400 kilos. That’s the reason for that shootout with—somebody died there sa Muntinlupa because of this,” anang Pangulo sa ika-26 anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Peno-logy (BJMP) kahapon.

“Ito lang kasi ang kapital and I have to be frank mostly Chinese, ‘pag nakapasok ang cellphone diyan, negosyo talaga. Negosyo iyan. At hanggang ngayon, namatay na iyong iba, nabuhay, at bakit malakas na naman ang droga?” giit niya.

Habang sa Davao Penal Colony ay namatay na aniya ang tatlong sangkot sa illegal drugs.

“And would you believe it? Sa tracking namin, pati Davao Penal Colony, may tatlo doong putris ka—nagnenegosyo. Sabagay, patay na. Sabi ko, ‘Kawalang hiya nitong…’” aniya.

Matatandaan, sinampahan ng illegal drugs case at nakapiit si Sen. Leila de Lima dahil sa umano’y pagbibigay proteksiyon sa drug trade sa NBP.

Inihayag kamakailan ni Justice SEcretary Vitaliano Aguirre, ilang kagawad ng PNP-Special Action Force ang sabit na rin sa drug trade sa NBP kaya papalitan sila ng mga miyembro ng Philippine Marines.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …