Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batang terorista papatulan ng militar

HINDI mangingimi ang militar na barilin ang isang batang terorista kapag nanganib ang buhay ng sundalo sa larangan.

Ayon kay AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, pinapayagan sa Geneva Convention ang pagdepensa ng isang sundalo kapag nalagay sa panganib sa harap ng isang armadong bata.

“When our soldiers’ lives are at risk, they take appropriate measures to defend themselves and that is allowable even by the Geneva Convention. So there’s no question about that,” ani Padilla.

Inamin ni Padilla, nakababahala ang natatanggap nilang ulat hinggil sa paggamit ng Maute/ISIS Group sa mga bata at kanilang mga bihag para makipagbakbakan laban sa tropa ng pamahalaan.

Kaya’t sa tuwing may oportunidad na iligtas ang isang bata o indibiduwal na napipilitang makipagbakbakan sa mi-litar ay ginagawa ng mga sundalo.

“But every time we have an opportunity to rescue a child or an individual who is being forced into the fight, we will do that. And there have been many occasions in the past that we have done so. In… ‘Yung mga kaganapan po natin na nakalaban natin ang mga ibang armadong grupo sa loob ng ating bansa, pangalanan ko na, ‘yung NPA. Dati, may mga dati silang bata na mga ini-employ,” ani Padilla.

“Sa mga bakbakan, ‘pag may nasugatan, at nakita mong bata ‘yan, hindi ho — tutulungan kaagad-agad ‘yan. At hindi po kami nagmamada-ling barilin ang batang tumatakbo maski may dalang armas. Kung kaka-yanin natin idi-disable lang, pero hindi siya pa-patayin,” aniya.

ni ROSE NOVENARIO

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …