Wednesday , May 14 2025

Na-sheboom na ABB hitman ng JUSMAG col lalaya na

PALALAYAIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umutas kay Col. James Rowe, hepe ng Army Division ng Joint RP-US Military Advisory Group (JUSMAG), ano mang araw alinsunod sa mga napagkasunduan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ayon kay Labor Secretary at government peace panel chief Silvestre Bello III.

Makakapiling na ng kanyang pamilya si Juanito Itaas, ang pinakamatagal na nakapiit na political prisoner sa bansa at convicted sa pagpatay kay Rowe, makaraan siyang mapasama sa listahan ng palalayain na inirekomenda ng Presidential Committee on Bail, Recognizance and Pardon (PCBRP) tulad nina Raul Villar at Armando Vinar.

Si Itaas, at si Donato Continente, umano’y mga hitman ng Alex Boncayao Brigade (ABB), urban hit squad ng New People’s Army (NPA), ay nahatulan sa pagpatay kay Rowe habang papasok sa kanyang tanggapan sa JUSMAG ang US colonel noong 21 Abril 1989 sa Quezon City.

Natukoy umano ang mga suspek dahil sa pagkanta nila ng Sheboom, Sheboom habang hinihintay ang opisyal ng JUSMAG.

Dinakip si Itaas sa Davao City at tinortyur umano upang aminin ang krimen.

Sa siyam inisyal na tumestigo laban kay Itaas, isa lang ang tumukoy sa kanya bilang gunman ngunit sa cross-examination ay inaming hindi niya namukhaan ang bumaril kay Rowe dahil mabilis ang pagkilos habang pinapuputukan si Rowe.

Sa kabila nito’y kinatigan ng Korte Suprema ang conviction ni Itaas noong 2005, habang si Continente ay pinababa sa pagiging accomplice kaya nakalaya nang taong iyon nang mapagsilbihan ang maximum sentence na 16 taon.

Kaugnay nito, ginawaran ng pardon ni Pangulong Duterte ang 10 communist leaders, karamiha’y nakapiit nang mahigit 10 taon at saklaw ng Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees (JASIG).

“This is in accord with the process that will eventually lead to a general amnesty proclamation once we reach a final peace agreement with the communist rebels. We are continuing to work on the release of the sick, elderly, those long detained and the women as the peace negotiations progress,” ani Bello.

Kabilang sa mga pinalaya sa bisa ng presidential pardon ay sina Emeterion Antalan, Ricardo Solangon , Joel Ramada , Apolonio Barado, Generoso Rolida, Manolito Matricio, Josue Ungsod , Sonny Marbella, Jose Navarro at Arnulfo Boates.

Inaayos na ang mga dokumento sa korte ng NDF consultants na sina Eduardo Sarmiento at Leopoldo Caluza bago sila palayain.

Umabot sa 49 ang lumayang detenidong politikal mula nang maupo si Duterte sa Palasyo noong 30 Hunyo 2016.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *