IBA’T IBA ang naging reaksiyon ng mga mambabatas sa naging desisyon ng Supreme Court (SC) patungkol sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
Para kina Davao Rep. at Committee on Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles, ACTS-OFW Party-list Rep. Ani-ceto John Bertiz, at Kabayan Party-list Rep. Harry Roque, dapat pasalamatan at hindi kondenahin ang naging ruling ng mga mahistrado sa naturang usapin matapos ang bo-tohang 11-3-1 pabor sa deklarasyon.
Ayon kay Nograles, puputulin ng nabanggit na desisyon ang lahat ng katanungan ukol sa deklarasyon ni Pangulong Duterte dahil pinagtibay na ito ng SC.
“This leaves no doubt that the decision of the President was correct and he should be commended for his swift and decisive action,” arya ni Nograles.
Habang naniniwala si Bertiz na sa simula pa lamang ay pinag-aralang mabuti ang deklarasyon ng martial law upang matiyak na ito ay hindi lalabag sa konstitusyon.
Si Magdalo Rep. Gary Alejano ay nagsabing iginagalang niya ang desis-yon ng SC kahit tutol siya sa martial law.
“I respect the decision of the high court in upholding the imposition of martial law by president Duterte in Mindanao after the Marawi crisis,” sinabi ni Alejano.
Samantala, kinondena ang SC decision ng Makabayan bloc, isa sa mga petitioner na naggiit na dapat bawiin ang martial law.
Habang hindi muna nagbigay ng komento si Ifugao Rep. Teddy Baguilat dahil pag-aaralan muna niya ang desisyon.
(JETHRO SINO CRUZ)