Monday , December 23 2024

Sa Bulacan massacre: There will be many more to come — Duterte

070517_FRONT
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na madaragdagan ang mapa-patay na suspek na nagmasaker sa pa-milya Carlos sa City of San Jose del Monte, Bulacan.

Ito ang inihayag ng Pangulo makaraan mapaulat na natagpuang patay ang isang alyas Inggo na inginusong kasama sa pumatay sa mag-anak na Carlos.

“And there will be justice. Paano? I do not know how. Basta sabi nila patay na iyong isa, so pagka ganoon, there will be many more to come,” anang Pangulo sa media interview sa burol ng mag-anak na biktima.

Hinamon ng Pangulo ang human rights advocates na umpisahan ang kanilang kampanya sa paggalang sa karapatang pantao sa hanay ng mga kriminal at sabihin sa kanila na itigil ang paggamit ng illegal drugs upang matapos na ang patayan.

Hindi aniya siya gago, pati ang pulis, na hindi kikilos kapag nakakita ng taong gumagawa ng krimen at wala silang panahon na hintayin gumulong ang ‘due process” kaya’t babarilin agad dahil naaktohan naman.

“Ang Human Rights should begin their campaign among the criminals, and tell the criminals to stop their god damn shit so that there will be no more killings. Sabihin naman nila, papaano mo pinatay baka inosente? Kung hindi naman gago iyong pulis pati ako. What do you think of me? If I catch you stopping somebody there, I’ll have to stay, I’ll wait for due process? I’ll just shoot you,” anang Pangulo.

Binatikos ng Pangulo ang media na may kakaibang kultura nang pagkonsinti sa mga patayang kagagawan ng drug addicts.

Binabalewala aniya ng media ang problema sa illegal drugs gayong u-mabot na ito sa pagpopondo ng terorismo sa Mindanao.

”Hindi ka naman magdala ng bayan na, you just—alam mo kung bakit? There is a peculiar phenomenon dito sa Fili-pinas. Itong mga tao dito, including media, they are so tolerant about the killings perpetrated by the drug people. Parang ‘Ha, drugs lang naman iyan.’ When they know that the drugs was the one also fueling the insurrection in Marawi. Wala silang pera. They got the … mga ano nila sa (unclear). Ang pinakamalaking nabigyan, iyong si Nobleza, iyong babae. Iyong walang hiya na babae na pulis,” aniya.

Binigyan ng Pangulo ng ayudang P250,000 ang naulilang si Dexter Carlos, Sr., inalok ng pabahay ng National Housing Authority at pinagkalooban ng bagong cell phone.

Napaiyak si Dexter, Sr., sa pakikiramay ng Pangulo sa kanya at ipi-nauubaya na sa mga awtoridad ang pagbibigay hustisya sa kalunos-lu-nos na sinapit ng kanyang pamilya.

“Tiniyak sa akin ni Presidente na sila na ang bahala sa kaso ng aking pamilya. Hindi ko malaman kung paano siya pasasalamatan dahil sa busy schedule niya’y nai-singit pa niya ang pagdalaw rito,” ani Dexter Sr.

Nabatid na caretaker lang ang pamilya Carlos sa nasabing bahay, sira ang doorknob at silya lang ang nakadiin para maisara kaya nakapasok ang mga kriminal.

ni ROSE NOVENARIO

ALYAS INGGO SA BULACAN
MASSACRE ITINUMBA

HINIHINALANG sangkot sa Bulacan massacre ang isang lalaking natagpuang patay sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan, dakong 5:30 am nitong Martes.

Kinilala ang biktimang si alyas Inggo, na-kitang patay at walang pang-itaas na damit sa ilalim ng puno sa Pal-mera Drive Road.

May pump belt na nakatali sa leeg ng biktima at may karatulang nakasaad na katagang “Addict at Rapist ako Huwag Tularan.”

Inaalam ng pulisya kung siya ang alyas Inggo o si Ronald Pacinos, na idinadawit ng suspek na si Carmelino Ibañez sa masaker ng mag-iina sa lugar.

Una nang sinabi ni Ibañez na isa siya sa pumatay kay Estrella Dizon Carlos, tatlo niyang mga anak, at nanay niyang si Auring.

Sa pahayag sa media, inamin ng suspek na kanyang ginahasa sina Estrella at Auring ngunit binawi niya ito sa opisyal niyang pahayag.

Bukod kay alyas Inggo, person of interest din ang idinadawit ni Ibañez na si alyas Tony, ayon sa pulisya ay sumuko na sa kanila.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *