BINASBASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inirekomendang panukalang P3.767 trilyong budget ng pamahalaan para sa susunod na taon, sa ginanap na cabinet meeting kamakalawa.
Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno, inihahanda niya ang pinal na bersiyon ng proposed 2018 budget upang maisumite ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa 24 Hulyo.
Sa ginanap na press briefing kahapon, iniha-yag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, mas malaki ang budget sa susunod na taon ng 12.4% kompara sa kasalukuyan na nagkakahalaga ng P3.35 trilyon.
Nangunguna aniya ang Department of Education sa makatatanggap ng pinakamataas na budget at sinundad ng Department of Interior and Local Government, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, ARMM at Department of Environment and Natural Resources.
Kasama sa tinalakay sa cabinet meeting ang mga paghahanda sa pagbangon ng Marawi City lalo ang pag-ayuda sa mga bakwit.
(ROSE NOVENARIO)