Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead baby

Ina, sanggol natagpuang patay sa Kyusi

PALAISIPAN sa Quezon City Police District (QCPD) ang pagkamatay ng isang ina at sanggol, nadatnan ng kanilang padre de familia na wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na lungsod, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang mag-ina ay kinilalang sina Lea Grace Belga, 25, Honethea, isang buwan gulang, residente sa 45 Diego Silang St., Vete-rans Village, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Ang mga biktima ay walang nakitang ano mang sugat sa kanilang katawan.

Dakong 8:30 pm nang matagpuan ni Honesto Belga, Jr., ang wala nang buhay na kanyang mag-ina.

Galing trabaho si Honesto nang puwersahan niyang buksan ang pintuan ng kanilang bahay nang hindi siya pagbuksan ng kanyang misis sa kabila nang matagal niyang pagkatok,

Pagkapasok sa bahay, inakala niya’y natutulog lang ang kanyang mag-ina ngunit nang gisingin si misis maging ang sanggol, natuklasan niyang patay na ang kanyang mag-ina.

Agad ipinaalam ni Honesto sa kanilang kaanak ang insidente bago sa pulisya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa mga biktima, ang isang kamay ni Lea Grace ay nakatakip sa mukha ng sanggol.

Lumabas din sa pagsusuri na walang ano mang sugat na nakita sa katawan ng mag-ina.

Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng mga biktima habang patuloy ang isinagawang pagsisiyasat ng pulisya upang matiyak na walang foul play sa pagkamatay ng mag-ina.

ni ALMAR DANGUILAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …