NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order No. 03, nagbuo ng inter-agency task force na mamamahala ng rehabilitasyon sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ang Task Force Bangon Marawi ay pamumunuan ni martial law administrator at Defense Secretary Delfin Lorenzana, chairperson rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
“I just got the [Administrative] Order No. 3 creating an inter-agency task force for the recovery, reconstruction, and rehabilitation of the City of Marawi and other affected localities,” ani Lorenzana sa press briefing sa Palasyo kahapon.
Itinuturing aniya ng administrasyon na isang man-made disaster ang krisis sa Marawi kaya’t gagamitin niya ang lahat ng mekanismo ng NDRRMC para magpatupad ng rehabilitasyon.
Ilalaan ng pamahalaan ang P20 bilyon sa pagbangon ng Marawi gayonman duda si Lorenzana na sapat ito upang tugunan ang pangangailangan ng lahat ng naprehuwisyo ng bakbakan ng militar at mga teroristang miyembro ng Maute/ISIS group.
(ROSE NOVENARIO)