Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis, ex-US navy nagbarilan kapwa sugatan, bayaw nadamay (Sa away-trapiko)

070417_FRONT
TATLO katao ang sugatan makaraan magbarilan ang isang pulis at retiradong US Navy dahil sa away-trapiko sa Rodriguez, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Sa record ng pulisya, ang mga sugatan ay sina PO2 Rodel dela Cruz, nakatalaga sa Northern Police District (NPD), Narson Francisco, dating US Navy, at bayaw niyang kasama sa kotse na si Robert de Pedro.

Ayon sa ulat, dakong 11:30 pm mangyari ang insidente sa Metro Manila Hills Subd., sa Brgy, San Jose, sa nabanggit na ba-yan.

Napag-alaman, nag-counterflow si Francisco na minamaneho ang To-yota Vios para iwasan ang humps ngunit eksaktong pasalubong ang Mitsubishi Mirage na minamaneho ni Dela Cruz, naging dahilan ng kanilang pagtatalo na humantong sa suntukan.

Makaraan magsuntukan, kapwa bumalik sa kanilang sasakyan ang dalawa at kinuha ang kanya-kanyang baril at nagbarilan sa gitna ng kalsada.

Tinamaan ng dalawang bala sa binti si Dela Cruz habang si Franciso ay tinamaan ng bala sa leeg at ang bayaw niyang si De Pedro ay sa likod at kili-kili.

Pinalad na hindi tinamaan ang buntis na misis ng pulis na noon ay nasa loob ng sasakyan.

Dinala sa magkakahiwalay na ospital ang tatlong sugatan habang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

ni ED MORENO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …