AYAW sumuko sa mga awtoridad ng isang dating mayor at kolumnista ng pahayagan ni Special Envoy of the President for International Public Relations Dante A. Ang, kahit tinukoy siya na supporter ng Maute Romato clan.
Sa Mindanao Hour press briefing kahapon, isiniwalat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, tinabla niya ang pakiusap ni dating Marawi City Mayor Omar Solitario Ali na makipag-usap sa kanya.
Giit ni Lorenzana, ang gusto niya ay sumuko si Solitario dahil kasama siya sa 230 politikong nasa Arrest Order 1 at 2 na inilabas niya bilang martial law administrator sa Mindanao, bunsod nang pag-ayuda sa Maute terrorist group.
Si Solitario ay kolumnista sa pahayagang The Manila Times na pagmamay-ari ni Ang at huling lumabas ang kanyang pitak nitong Sabado, 1 Hulyo.
“There are people who are talking to me na kilala siya that they would like to make — kausapin niya ako. Sabi ko, sumurender muna siya. But he is not surrendering. In fact, he wrote a very good co-lumn in one of the newspapers last week about the problem there. He’s a very learned person and I would like to talk to him also pero sumurender muna siya kasi kasama siya doon sa mga identified na supporter ng mga Maute Romato clan,” ani Lorenzana.
Sa tanong HATAW kung nag-request siya kay Dante Ang na huwag i-publish ang column ni Solitario sa Manila Times, sinabi ni Lorenzana, “No Rose, I did not. And i will never suppress the publication of a piece just because it is unfavorable to the government.”
Nakompiska ng mga awtoridad sa bahay ni Solitario ang P10-milyon halaga ng shabu nang salakayin noong nakalipas na buwan.
Unang dinakip si Fajad Salic, dati ring alkalde ng Marawi City , ka-patid ni Solitario at da-ting asawa ng aktres na si Alma Moreno.
Nauna nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng magkapatid na kasama sa listahan ng narco-politicians sa Mindanao.
(ROSE NOVENARIO)
ISIS EAST ASIA EMIR
NAGTATAGO SA MOSQUE
SA MARAWI CITY
NANINIWALA si Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa Marawi City pa si Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) East Asia Emir Isnilon Hapilon at nagtatago sa isa mga mosque sa siyudad.
“According to our la-test info, he’s still inside Marawi. In fact, there is an information we got this morning that he’s hiding in one of the mosques there in Marawi,” ayon kay Lorenzana sa Min-danao Hour Press briefing sa Palasyo kahapon.
Aniya, batay sa nakalap na impormasyon ng militar, may mga duma-ting na terorista sa Basilan mula sa Marawi ngunit hindi kasama si Hapilon.
Mahigpit aniya ang pagbabantay ng mga awtoridad sa Basilan sa posibleng pagdating doon ni Hapilon sakaling makalusot sa bakbakan sa Marawi.
Sinabi ni Lorenzana, ayaw na niyang magtakda ng deadline para tapusin ang krisis sa Marawi dahil ilang beses na ni-yang hindi natupad.
Nadaragdagan din aniya ang bilang ng mga namatay na sundalo dahil nagiging agresibo silang wakasan ang bakbakan ngunit nahihirapan sila dahil madiskarte ang mga kalaban.
Ipinauubaya niya sa ground commanders ang kapalaran ng bakbakan dahil sila ang nakakaalam kung ano ang dapat gawin base sa sitwasyon.
(ROSE NOVENARIO)
TASK FORCE
BANGON MARAWI
BINUO NI DUTERTE
NILAGDAAN ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order No. 03, nagbuo ng inter-agency task force na mamamahala ng rehabilitasyon sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ang Task Force Bangon Marawi ay pamumunuan ni martial law administrator at Defense Secretary Delfin Lorenzana, chairperson rin ng National Disaster Risk Reduction and Ma-nagement Council.
“I just got the [Administrative] Order No. 3 creating an inter-agency task force for the reco-very, reconstruction, and rehabilitation of the City of Marawi and other affected localities,” ani Lorenzana sa press briefing sa Palasyo kahapon.
Itinuturing aniya ng administrasyon na isang man-made disaster ang krisis sa Marawi kaya’t gagamitin niya ang lahat ng mekanismo ng NDRRMC para magpatupad ng rehabilitasyon.
Ilalaan ng pamahalaan ang P20 bilyon sa pagbangon ng Marawi gayonman duda si Lorenzana na sapat ito upang tugunan ang pa-ngangailangan ng lahat ng naprehuwisyo ng bakbakan ng militar at mga teroristang miyembro ng Maute/ISIS group.
(ROSE NOVENARIO)