NANINIWALA si Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa Marawi City pa si Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) East Asia Emir Isnilon Hapilon at nagtatago sa isa mga mosque sa siyudad.
“According to our latest info, he’s still inside Marawi. In fact, there is an information we got this morning that he’s hiding in one of the mosques there in Marawi,” ayon kay Lorenzana sa Min-danao Hour Press briefing sa Palasyo kahapon.
Aniya, batay sa nakalap na impormasyon ng militar, may mga duma-ting na terorista sa Basilan mula sa Marawi ngunit hindi kasama si Hapilon.
Mahigpit aniya ang pagbabantay ng mga awtoridad sa Basilan sa posibleng pagdating doon ni Hapilon sakaling makalusot sa bakbakan sa Marawi.
Sinabi ni Lorenzana, ayaw na niyang magtakda ng deadline para tapusin ang krisis sa Marawi dahil ilang beses na ni-yang hindi natupad.
Nadaragdagan din aniya ang bilang ng mga namatay na sundalo dahil nagiging agresibo silang wakasan ang bakbakan ngunit nahihirapan sila dahil madiskarte ang mga kalaban.
Ipinauubaya niya sa ground commanders ang kapalaran ng bakbakan dahil sila ang nakakaalam kung ano ang dapat gawin base sa sitwasyon.
(ROSE NOVENARIO)