Monday , December 23 2024

Nagkanlong ng Maute/ISIS sa Marawi City target ni Duterte

PAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kung paano nakapasok at nakapagpalakas ng puwersa ang Maute /Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Marawi City.

Sa kanyang talumpati sa ika-50 anibersaryo ng Davao del Sur kamakalawa, tiniyak ng Pangulo na kapag natapos ang bakbakan sa Marawi City ay pananagutin niya ang mga nasa likod ng teroristang grupo sa siyudad.

“Most of our soldiers suffering and the police, puro shrapnels, puro explosives. And saan sila nakaipon nang ganon karami? This has to be looked into maybe after the fighting,” anang Pangulo.

Inamin ng Pangulo, mabigat sa kanyang kalooban at minsa’y napapaiyak siya tuwing nababasa ang daily briefer na isinusumite sa kanya ng security officials hinggil sa sitwasyon sa Marawi City.

Paliwanag niya, nababagabag siya dahil bilang Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP), isinugo niya ang mga sundalong namatay sa Marawi City nang magdeklara siya ng martial law.

“But it really disturbs me because I declared martial law and I was the one who ordered them to go there to fight and to die. Mahirap ‘yan sa konsensiya, mabigat. It is not really a guilt feeling, but it is almost akin,” aniya.

Kaya ganoon na lang aniya ang galit niya sa mga kapwa Maranao dahil pinahintulutan na makapasok, maglungga at makapagpalakas ng puwersa sa Marawi City ang mga terorista na pumatay sa kanyang mga sundalo.

“And you know, this — every night, I get my briefer from the DND — Defense, at ‘yung kay Chief of Staff, kay Año, pati sa pulis. And I’m telling you the truth. Every time I read it, I am really… unsettling masyado. Sometimes I cry. Maluha lang ako if the numbers are really great. Kasi, nakikita ko ‘yung mga patay na sundalo ko — “ko” kasi ako ‘yung Commander-in-Chief — makikita ko ‘yung mga pulis ko na namatay come in numbers, and I can just imagine… ang pumapasok sa akin, ang pamilya,” anang Pangulo sa kanyang talumpati.

“That is always our worry. Tayong lahat dito. All of us, ‘yung pawis natin, ang atong paninguha (ang pawis natin) always for the family. Wala na tayo. We are beyond… ‘yung mga kapritsoso na ano… At this age, we always want our country safe for our children. Kaya gano’n na lang ang galit ko sa mga kapwa ko Maranao. Sabi ko, ‘Galit ako sa inyo. Bakit ninyo pinapasok itong mga p***** i** na ‘to? Why did you allow the terrorists…’ And they could not have built that kind of ordnance until na marami pa sila,” anang Pangulo.

Ang dasal ng Pangulo at ng matitinong residente ng siyudad, mabilis na matapos ang bakbakan dahil pare-pareho naman ayaw nilang may nagbubuwis ng buhay.

Kahit gustuhin ng Pangulo na wakasan na ang bakbakan, nahihirapan aniya ang mga tropa ng pamahalaan dahil bago pa siya nagdeklara ng martial law ay nakapagpalakas na ng puwersa ang mga terorista sa lungsod sa mga nakalipas na taon.

Nagbanta ang Pangulo sa mga kritiko ng batas militar na nagpasaklolo sa Supreme Court dahil hindi nila alam ang lalim ng problema sa Mindanao.

Giit ng Pangulo, babawiin lang niya ang martial law kapag sinabi ng security officials sa kanya na ligtas na ang lahat ng tao at mga pamayanan sa Mindanao.

“It’s not dependent on the whim na punta kang Supreme Court, maniwala kaya ako? Tingin ko magulo pa, ipa-lift mo? Huhulihin kita, ipasok, ipasok na tuloy kita sa kulungan,” wika ng Pangulo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *