HINDI na ini-renew ng GMA 7 ang kontrata ni Aljur Abrenica pero nakita siya noong Friday sa bakuran ng ABS-CBN 2. Ayon sa aming source, nag-go see ito para sa isang project.
Ang tanong, makapasa kaya sa audition?
Ayaw naman magdetalye ni Aljur at ang sabi ay napadaan lang.
Ngayon lang nakita ulit si Aljur pagkatapos manahimik at mabuntis ang kanyang girlfriend na si Kylie Padilla.
Pero ayon sa rati niyang ka-loveteam na si Kris Bernal, nakausap niya si Aljur kamakailan. Happy ito at itinuturing niyang bagong challenge sa buhay niya ang pagkakaroon ngayon ng mabigat na responsibilidad.
“Hindi siya nagsisisi kasi sabi niya sa akin talagang mahal na mahal niya si Kylie. So, talagang kung gagawa rin siya ng pamilya, at gusto niyang makasama forever, sinabi niya it’s really Kylie naman talaga,” kuwento ni Kris.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro