Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tricycles sa Blumentritt kanto ng Avenida Rizal balakid at abala sa publiko!

BALAKID at malaking abala sa mga motorista at publiko ang nga tricycle na nakahambalang sa kanto ng Blumentritt at Avenida Rizal malapit sa riles ng tren at LRT station.

Ang kanilang mahabang pila at ilegal na terminal ay okupado na halos ang buong kalye at bangketa sa nasabing lugar kaya’t naantala ang mga motorista, Gayondin ang commuters.

Imbes sa bangketa maglakad ay mismong sa kalsada na hindi alintanang puwede silang mahagip ng mga sasakyan.

Abusado ang mga tricycle driver, bukod sa abalang idinudulot ay napakalakas umanong mag-counterflow sa isang kalye. Ikinokonsiderang national at major road.

Hinahabol umano ang mga pampasaherong jeep na magbababa ng kanilang pasahero upang isakay sa kanilang tricycle kanya raw lalong tumitindi ang bigat ng trapiko.

Ipinapalagay ng marami na meron itong tarang inihahatag sa kinauukulan, araw-araw kaya’t malakas ang loob ng mga kamote na bumalagbag sa lansangan!!!

Magkano ba mga sir ang natatangga ehek natatanggap ninyo kapalit ng lahat ng abala at disgrasyang puwdeng maangyari sa mga pasahero at publiko?!

Buti pa ang sabon na safeguard may konsensiya komapara sa inyong mga nakasasakop sa nasabing lugar na walang delikadesa, pansarili at pera-pera lang ang laban!?

Isip-isip raw!

BAGONG BIDA
NG MPD-UNO!

BINABATI ng ilan nating mga kakilala sa MPD ang bago anilang BIDANG katiwaldas ‘ehek katiwala ng Uno sa katauhan ng isang Tata Rizal na sabi nila ay bihirang- bihira raw mamataan sa naturang himpilan!?

Tawag-tawag lang daw kasi sa mga GL ang sistema ng parating nina Tata Rizal at kanyang bossing sa Tondo!

Hahaha

Mabuhay!

GOOD NIGHT AND SEE YOU
IN HEAVEN MY SISTER IN-LAW!

Sincerest condolence to the family of my hipag and who is known to many as their elder sister or “Ditse” Angelita Dimanlig Brisenio, who passed away last saturday June 24, 2017 at the age of 69.

Interment is on Saturday July 1 at Holy Cross Memorial Park in San Bartolome, Novaliches Quezon City.

Again, ang dalamhati at ang ating taos-pusong pakikiramay sa mga naiwan ni Ditse sampu ng kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan.

YANIG – BONG RAMOS

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …