AARANGKADA naman ang karera sa Metro Turf pagkatapos sa Sta Ana Park kung saan ay may walong karera na lalargahan . Narito’t umpisahan na natin ang aking munting paghihimay na inihanda sa ating lahat.
Race-1 : Sa pambungad na takbuhan at umpisa ng 1st Pick-5 event ay uunahin ko ang nakababa pa ulit ng isang grupo na si (6) Bainbridge na rerendahan ni Mart Gonzales, tingin kong magbibigay ng banta ay ang tambalan nina (5) Alhambra ni Carlo Diala at (5a) Mayumi ni Jessie Apellido.
Race-2 : Balikatan sa unang puntusan ng larong Winner Take All (WTA) event sa biglaang tingin, pero nung nabasa ko ang kalahok na si (3) The Lady Wins na sasakyan ni Renz Ubaldo ay nasabi ko na tila nalagay sa mahinang grupo ang nasabing kalahok dahil mas sanay akong nakikita siya sa malalakas na laban. Pero kung matunugan ninyo na hindi pa rin ang kanyang takdang panahon ngayong gabi ay nariyan naman ang mga kalaban niyang si (7) Rightsaidfred ni Jeff Zarate.
Race-3 : Sa pangatlong takbuhan para sa larong Pick-6 event ay medyo balikatan din, pero dahil sa lamig ng panahon sa gabi at kung mababasa pa ang pista ay may buti diyan sina (5) Fireworks ni Patar Guce, (3) Jenny’s Cat ni Jerico Serrano, kasama ang tambalan na alaga ni Ginoong Willy “Mr. Bonjing” Afan Jr. na sina (2) Masumax ni Onat Torres at (2a) Purging Line ni Bodjie Henson.
Race-4 : Nakakaamoy na ng premyo sa Race 4 ang kabayong si (2) Batas Kamao na papatnubayan ni Oniel Cortez, makakasabay niya sa pagremate sina (3) Fortune Island ni Jeff Zarate at (1) Isla De Romero ni Claro Pare Jr..
Race-5 : Mababa sa laban si (2) Yes Music ni Totoy Cabarrios Jr. sa Race 5 , magkagayon pa man ay hindi ko basta iiwan ang dala ni Ryan Base na si (6) Sharp Return at bilang pang dehado ay isama sa listahan ang coupled runners na sina (1) Magnificent Eight ni Ba’am Avila at (1a) Becker ni Rey Niu Jr.
Race-6 : Malamang na magkabugbugan sa unang karera ng paboritong huling DD+1 event ni Noli Batang. Malamang na maggitgitan sa banderahan ang mga kabayong sina (5) Lasting Rose ni Wilden Delfin at (3) Musikera ni Carlo Diala, subalit kapag nagkalakasan silang dalawa sa banderahan ay hindi posibleng gumawa ng upset ang dehadong si (2) Fantastic Wiliam ni Onat Torres.
Race-7 : Kapag walang gumambala sa harapan o hindi mapalakas ang ayre ay kayang makabuo ni (7) Mother’s Secret ni Jerick Pastoral sa penultimate race, isa kina (4) Sea Master ni Onat Torres at (3) Et Al ni Eddie Boy Villahermosa Jr ang puwedeng sumilat.
Race-8 : Sa huling takbuhan ay sa tatlong nasa harapan na kaagad ako lalagay ng suporta, iyan ay kina (2) Gorgeous Chelsea ni James Paul Villanueva, (7) Bungangera ni Unoh Hernandez at (6) Ranagant ni Louie Balboa.
REKTA – Fred L. Magno