NAGSASANAY pa rin pala si Maine Mendoza sa buhay-artista sa kabila ng hindi niya inaasahang tagumpay sa showbiz. Malakas pa rin ang hatak sa kanya ng kinagisnang pamumuhay na binago ng showbiz mula nang pasukin niya ito.
Sabi ni Maine, ”Opo, hahanapin mo pa rin po ang private, normal life, kung ano ang nakasanayan mo . Unlike ‘yung ibang artista na sa showbiz na po lumaki. Minsan lang po, nami-miss ko rin ‘yung buhay, pero siyempre, nandito na po ako. Iba pa rin po ang buhay dito.”
Gayunman, naniniwala si Maine na mapapanatili pa rin niya ang normal na buhay maski nasa showbiz na siya.
MA at PA – Rommel Placente