MAY ilang mga taong hindi pa rin matanggap na si Liza Soberano ang napili ng Star Cinema para gumanap na Darna. Sabi ng bashers ni Liza, bukod sa pagiging Inglisera niya, kitang-kita rin sa aktres ang American features, na taliwas sa mas nararapat na Pinay na hitsura ni Darna.
Sa mga negatibong comments kay Liza, to the rescue naman ang kanyang ka-loveteam at rumored boyfriend na si Enrique Gil.
Sabi niya sa interview sa kanya ng Pep.ph, ”Di mawawala ‘yung bashers. Kahit anong gawin mo sa buhay, there are some people na kasama mo, kalaban mo. ‘Di talaga mawawala ‘yan. Kahit saan, kahit ‘di sa showbiz, sa buhay, sa kahit na anongg ginagawa mo. Kung alam mo sa sarili mo kung ano, what you really like, gawin mo, ‘yun ang importante sa lahat.”
MA at PA – Rommel Placente