MAGLABAS kayo ng ebidensya.
Ito ang hamon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa ilang maka-kaliwang grupo na nag-akusa na may mga sundalo umano na nagbantang gagahasain ang mga kababaihan kapag hindi lumikas sa Marawi City.
”Alam ng taongba-yan na mapagkakatiwalaan nila ang ating Sandatahang Lakas, ang kaisa-isang sandatahang lakas ng Filipinas (AFP), at nakikita naman ito sa mga survey. Kung labag sa ideolohiya ng ibang grupo ang sumuporta sa mga sundalo, sana ay makonsensiya naman sila para sa ating mga kapatid na Maranao – mga kababaihan, kabataan, katutubo at buong komunidad na biktima sa sitwasyon,” ani Lorenzana sa isang kalatas kahapon.
Kinuwestiyon niya ang motibo at kredibi-lidad ng mga nasabing grupo sa pagpapalutang ng hindi totoong ulat na natatakot ang mga kababaihang residente ng Marawi City na makaranas ng seksuwal na pang-aabuso ng mga sundalo sa nagaganap na operas-yong militar sa siyudad.
“I question the motives and credibility of certain leftist groups and individuals in coming up with a dubious report that Marawi women residents allegedly fear that they will be raped by soldiers in the ongoing military operations in Marawi City,” aniya.
Walang tinukoy na pangkat si Lorenzana ngunit sa isang forum sa Quezon City noong nakalipas na Biyernes ay si-nabi ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, personal niyang narinig ang mga kuwento ng mga kababaihan na nagtungo sa evacuation centers sa Lanao del Norte at Lanao del Sur, nang takutin silang gagahasain ng mga sundalo dahil sa pang-eengganyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga talumpati.
“I have personally heard the stories of wo-men who sought refuge in evacuation centers in Lanao del Norte and Lanao del Sur after go-vernment troops threatened to rape them, as encouraged by no less than President Duterte in his public remarks,” ani Brosas.
“These are alarming accounts which prove that the martial law and Pre-sident’s rape remarks have actually emboldened the military to dangle rape threats before wo-men in Marawi City. We fear that there are actual victims of rape and we encourage them to speak out and seek justice,” anang lady solon.
Nilinaw ni Lorenzana, sumailalim sa serye ng gender sensitivity trainings ang mga sundalo na nakatuon sa “participation, empowerment, equity, respect for human rights, freedom from violence, and actualization of fullest human potential.”
“Linawin ko lang po: Ang ating (ka)sundalo(han) at (ka)pulis(an) ay nasa Marawi upang labanan ang mga tero-ristang gustong gawing pugad ng kasamaan ang siyudad, at upang pigilan na lumawak pa ang kaguluhan. Ito ang kanilang sinumpaang tungkulin,” anang Kalihim.
Bistado aniya, ang motibo ng mga nasabing grupo, ang mabigo ang gobyerno sa paglaban sa kasamaan upang maisulong ang kanilang mga pansariling interes.
“Hindi po ba ang mga grupong ito, ang mga grupong patuloy na nagbubulag-bulagan sa mga krimeng ginagawa ng mga kabaro nila sa CPP-NPA (Communist Party of the Philippines – New People’s Army)? The same groups who conveniently forget that their communist-terrorists colleagues continue to loot, murder, rape, and destroy private and public pro-perties in the countryside,” giit ni Lorenzana.
ni ROSE NOVENARIO