BUKOD kay Uncle Sam, aayuda na rin ang Australia sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra Maute/Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inialok na technical assistance ng pamahalaan ng Australia upang labanan ang mga terorista.
Makatutulong aniya ang dalawang AP-3C Orion aircraft mula sa Australian Defense Force sa pakikipagbakbakan ng mga tropa ng pamahalaan kapag naisapinal ang operational details ng dalawang hukbong sandatahan.
“We welcome any technical assistance that our allies can provide while the Armed Forces of the Philippines is in the process of developing such capabilities.With these AP-3Cs from the ADF, our troops can benefit from enhanced airborne surveillance of the area any time of the day thereby improving operations on the ground. (ROSE NOVENARIO)