NAGPASARING ang Palasyo na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay busy sa trabaho at hindi sa play station.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang dapat ikabahala ang publiko sa ilang araw na hindi pagpapa-kita ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil style niya ito.
Kahit aniya nawala sa mata ng publiko si Pangulong Duterte pero tuloy ang pagganap ng tungkulin bilang Punong Ehekutibo ng bansa, hindi gaya ng iba na naging abala sa paglalaro ng Play Station.
“Style po niya ‘yun, ‘di ba? May kanya-kanya tayong work mode. Unang-una, hindi ba, hindi pa tapos talaga ’yung kanyang pahinga. Pero on the other hand, nakita natin na tuloy-tuloy siyang gumawa. So iba-ibang workload lang. May ibang tao, you know, they play PlayStation, whatever, but you have— some people are more just… Some people are just busier,” ani Abella.
Matatandaan, naging pangunahing puna kay dating Pangulong Benigno Aquino ang pagkahilig niya sa portable Play station (PSP).
Sa kasagsagan ng Luneta hostage crisis noong 2010, itinanggi niya ang akusasyon na kaya hindi agad natugunan ang krisis ay dahil nakatutok siya sa PSP.
(ROSE NOVENARIO)