BINIRA ng Palasyo ang “sensationalism” ng media sa banta ng terorismo na nagdudulot ng pagkaalarma ng mga mamamayan.
Sa Mindanao Hour press briefing kahapon, sinabi ni AFP spokesman, B/Gen. Restituto Padilla, hindi makatutulong sa sitwasyon ang pagpapalaki ng media sa mga balita hinggil sa banta ng terorismo.
“Just a warning ‘no and I would like to request the assistance of media on this matter. Threat inflation is a reality na nangyayari ngayon kasi hina-hype natin ‘yung mga nakikita nating maaaring maging banta. So sana iwasan po natin ‘yan kasi nagdudulot ito ng agam-agam sa isip ng ating mga kababayan,” aniya. Ang importante aniya, manatiling “conscious” ang mga mamamayan, maging alerto at maki-pagtulungan sa mga awtoridad kapag may nabatid na terror threat.
“Threats will be there and we should be prepared for it. So if there are things that you need to clarify then we will clarify it. But let’s not inflate it unduly and overreact,” ani Padilla.
(ROSE NOVENARIO)