WALANG totoong malasakit sina Senators Leila de Lima at Francis “Kiko” Pangilinan sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang gusto ay magpantay na ang mga paa ng Punong Ehekutibo.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview sa Cagayan de Oro City kamakalawa, ang hinihintay na marinig nina De Lima at Pangilinan ay balitang pumanaw na siya matapos hindi magpakita sa publiko ng limang araw.
“Si De Lima is only interested to hear my dying or death. She does not care if I live. Ang hinihintay lang niyan sabihin na namatay na si Duterte. Mag-ambak-ambak ‘yan doon sa selda niya,” anang Pangulo.
“Si Pangilinan also. What they really care if I die today or tomorrow? If I get sick or tired? Your only interest is to know where I am and whether or not I am dying or dead? Hindi ako bilib na concerned ka sa akin, Kiko. I should not bare all. Bakit ako [maghubad?]?” sabi niya.
Paliwanag ng Pangulo hinggil sa limang araw na hindi nagpakita sa publiko, nagkaroon siya ng private trip , may kinausap na tao at tatlo katao lang ang kasama niya.
“And I have my reasons in travelling incognito kasi I wanted to talk to people, maka-travel ako as — ah, hindi halata sa media, ganoon. Tatlo lang, apat, including the driver,” dagdag niya.
Isinulat ni dating Sen. Francisco Tatad sa kanyang pitak sa isang pahayagan, nakaranas ng mild stroke ang Pangulo at na-confine sa Cardinal Santos Hospital, na mariing pinabulaanan ng Palasyo.
“You know, he stood up. He showed himself. Kit Tatad may just be creating fantasies,” sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.
(ROSE NOVENARIO)