Monday , December 23 2024

PH ayaw matulad sa Syria (Digong kaya nagdeklara ng martial law)

062117_FRONT
IBINIGKIS ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang iba’t ibang grupo ng Moro sa Mindanao para paniwalaan at isulong ang terorismo.

Kaya idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa Mindanao, upang pigilan ang plano ng Maute/ISIS na maghasik ng terorismo sa Mindanao gaya nang nagaganap sa Syria sa nakalipas na anim na taon.

Sa kanyang pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Cagayan de Oro City at evacuees sa Iligan City, ipinaliwanag ni Pangulong Duterte na ang batas militar ang ginawa niyang kalasag kontra-terorismo na dinala ng ISIS sa Mindanao, na hindi pinigilan sa mga nakalipas na taon.

Kagagawan aniya ng interes ng imperyalistang Amerikano sa langis ang pag-usbong ng terorismo na nagpabagsak sa mga bansa sa Gitnang Sila-ngan.

“Ang Mindanao may isang saling — isang may buong bayan. Lahat tayo dito lakad ito ng mga imperyalismo. Kagaya rin sa Middle East. Ang oil ng Arab ang nagpalago ng industrial states. They were using the Arab oil, pagkatapos noong yumaman na sila, sa negosyo lahat, pinaghati-hati nila ang Middle East. Kaya ngayon giyera. Hanggang ngayon. Libya bagsak. Syria bagsak, ininvade (invade) ng Amerikano,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa Iligan City.

Humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa mga taga-Marawi City na karamiha’y mula sa tribung Maranao, sa pinsalang idinulot ng operas-yong militar bunsod ng martial law.

Katuwiran ng Pangulo, sinisira ng mga tero-rista ang Marawi kaya kailangang itaboy sila sa pamamagitan ng operas-yong militar.

“I’d like to say to the Maranao people that I am very, very, very sorry na nangyari ito sa atin. Sana sa madaling panahon you will find a new heart to forgive my soldiers, ang gobyerno pati ako for declaring martial law. Wala akong choice e. Sinisira na ang Marawi. I have to drive them out. But I am very sorry. Pakiabot na lang doon sa mga kapatid nating mga Maranao na ang aking hinanakit din sa nangyari na ito. Patawarin n’yo po kami,” anang Pangulo sa evacuees.

Nangako ang Pangulo na tutulungan ang evacuees na makabangon hanggang sa rehabilitas-yon ng siyudad.

“Tutulungan ko kayo. Huwag kayong mag-alala. Tutulungan ko kayo hanggang relocation. And then, we will rehabilitate ang Marawi. Gaganda iyon ulit,” aniya.

Nauna rito’y sinabi ni Patrick Henningsen, Exe-cutive Editor ng 21st Century Wire.com, parehong sitwasyon ang kinasadlakan nina Duterte at Syrian President Bashar Assad na kapwa anti-US at inatake ng ISIS terrorists ang kani-kanilang bansa.

Matapos aniyang makipagbakbakan sa mga terorista ang mga tropa ng pamahalaan ay papasok naman ang non-government organization (NGO) complex at babatikusin ng human rights groups ang mga paglabag sa karapatang pantao dulot ng anti-terror ope-rations ng militar.

“Certainly, that is what we’ve seen with Syria. Someone unleashes ISIS – if this is indeed ISIS in the Philippines – someone has unleashed ISIS. Then the government is forced to come down hard, to declare martial law, and then the international organizations will demonize this government. So this is an exact same formula as what we saw in Syria, albeit on a smaller scale, on a smaller level. Essentially, we’re looking at the same dynamic, and especially with the negative public relations side that the Philippine government is looking at, just like Syria went through,” aniya.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *