UMABOT sa 11 kilo ng hinihinalang shabu at matataas na kalibre ng armas ang nakompiska ng mga tropa ng pamahalaan makaraan makipagbakbakan sa mga terorista sa Marawi City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, patuloy na nakarerekober ng malalakas na armas, improvised explosive devices at shabu ang mga sundalo sa clearing operations, sa pangunguna ng Joint Task Force Marawi.
Nakahanda aniya ang Combat Engineering Brigades ng Philippine Army at Philippine Navy para sa rehabilitasyon ng Marawi City kapag natapos ang clearing operations sa siyudad.
Sa kasalukuyan, nakatuon ang atensiyon ng military sa “combat, intelligence and civil military operations.”
Umabot sa 62 sundalo at 267 teroristang Maute/ISIS ang namatay, habang libo-libong mamamayan ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan mula nang mag-umpisa ang bakbakan sa Marawi noong nakalipas na buwan.
Samantala, dalawang bank accounts ang nilikha ng gobyerno sa Landbank upang paglagakan ng ayudang pi-nansiyal ng mga nais tumulong sa mga pamilya ng namatay na sundalo at “bakwit” o internally displaced persons.
“For families of slain soldiers, people can deposit money using the account name AFP Marawi Casualty with account number 00000552107128. For evacuees from Marawi City, people can send money through account name Marawi IDP with account number 00000552107136,” pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.
(ROSE NOVENARIO)