HINIMOK ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman B/Gen. Restituto Padilla ang mga opisyal at kagawad ng Bureau of Immigration (BI) na palakasin ang kanilang hanay at mahigpit na ipatupad ang Human Security Act o Anti-Terror Law upang mapigilan ang pagpasok ng mga dayuhang terorista sa Filipinas.
Napaulat na may mga nakuhang passport sa napatay na foreign jihadist sa Marawi City, na nakalusot sa NAIA at nagtungo sa Cagayan de Oro City.
Nabatid na nagmula ang foreign terrorist sa Indonesia at nagpunta sa Singapore bago pumasok sa Filipinas.
“Kaya kailangan din patibayin natin o palakasin natin ‘yung ating procedures sa Immigration. So ito ‘yung unang line of defense natin e. Kaya nga noong nakaraang linggo, sinabi natin, iminungkahi natin na kinakailangan siguro na tingnan nang mabuti ‘yung Human Security Act para mas ma-ging matibay ‘yung puwedeng gawin para hara-ngin ‘yung pagpasok ng mga ganitong klaseng indibiduwal,” giit ni Padilla. (ROSE NOVENARIO)